Kilalanin Ang Gwapong Anak Ng Artistang Si Cherie Gil Na Si Raphael Eigenmann Rogoff

Ang apelyidong Eigenman ay talaga namang isa sa mga kilalang pangalan sa showbiz dahil ilang mga sikat na aktres at aktor ang nagmula sa pamilyang ito ang talaga namang tumatak na ang pangalan sa industriya. Isa nga sa miyembro ng pamilyang ito ay ang beteranang aktres na si Cherie Gil na talaga namang kilala nating lahat sa husay niya sa pag-arte.

Photo Credit: raphrogoff/Instagram




Ngunit marami ang hindi nakaka-alam na beteranang aktres pala ay may anak na lalaki na ubod ng gwapo na talagang nagpapakilig sa mga kababaihan. Ito ay si Raphael Eigenmann Rogoff na bunga ng kanilang pagmamahalan ng dati niyang asawa na isang magaling na “Violinist” na si Rony Rogoff.

Photo Credit: raphrogoff/Instagram

Marami ang nagsasabi na sobrang kahawig ng binata ang kanyang ama, at syempre hindi rin maipagkakaila na kapatid niya ang ate niyang si Bianca dahil sa lahi talaga sila ng mga gwapo at magaganda.

Photo Credit: raphrogoff/Instagram

Si Raphael ay nagtapos ng kanyang highschool sa Scarsdale Senior High School sa New York taong 2016 at sa kasalukuyan ay mag-aaral siya sa New York University kung saan ay kumuha siya ng kursong Global Liberal Studies Concentrating in Ethics, Politics and Religion. Madalas nga naman na nasa New York ang binata dahil sa naroon ang Unibersidad na pinag-aaralan nito.

Photo Credit: raphrogoff/Instagram

Ngunit katulad ng mga tipikal na binata mahilig din si Raphael sa sports, at isa sa kanyang mga paborito ay ang “American Football.”, maliban pa nga rito ay certified “dog lover” din ang anak na ito ni Cherie Gil.

Photo Credit: raphrogoff/Instagram

Hilig din umano ng binata ang mamasyal at maglakbay sa iba’ibang panig ng mundo at maka experience ng mga bagay-bagay, sa katunayan ay may isang lugar siya na pinasyalan na naranasan niya ang sumakay sa Elepante.

Photo Credit: raphrogoff/Instagram

Katulad din ng kanyang ina may angking talento din sa pag-arte ang binatang si Raphael na sadyang na sa dugo nga talaga ng mga Eigenman dahil isa rin siyang aktor sa teatro.
Marami naman ang nais malaman kung may kasintahan na ang gwapo ng anak na ito ni Cherie Gil, and sad to say taken na si Raphael.

Katulad niya ay mahilig din maglakbay ang kanyang nobya, sa katunayan sa kanyang social media account ay makikita ang mga larawan nila ng nobya na kung saan ay magkasama silang pumunta sa bansang Abu Dhabi.

Marami na nga naman ang mga bansang na pasyalan ni Raphael at ilan sa mga ito ay ang France, Australia at Spain. Pero syempre hindi naman mawawala sa kanyang pasyalan ang ating bansa (Pilipinas), na kamakailan lamang ay bumisita dito ang binata upang dalawin at makasama ang mga kapamilya niya na narito.




Sa kanya ngang pagbabakasyon dito sa ating bansa ay naman maaaring hindi mabisita ng binata ang kanyang mga kaibigang celebrity at ito ay sina Iṅigo Pascual at Ylona Garcia.
Kahit pa nga ba sa ibang bansa lumaki at nag-aaral ay hindi pa rin nakakalimutan ni Raphael ang pagkakaroon niya ng dugong Pinoy kaya’t pinag-aaralan din niya an gating iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng pagpunta sa iba’t-ibang lugar dito sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *