Kilalanin Ang Gwapong Anak Ni Mayor Isko Moreno Na Si Joaquin Moreno

Ang 44-taong gulang na alkalde ng Lungsod ng Maynila ngayon na si Mayor Isko Moreno, ay isang kilalang aktor noon bago pa man siya napasok sa pulitika.



Noong siya ay isang aktor pa ay itinuturing na matinee idol si Isko, ito ay dahil sa angkin niyang kakisigan na talagang agaw-pansin rin sa maraming mga kababaihan. Kung ating babalikan ang matagumpay na karera ni Isko noon, ay talaga namang isa siya sa mga popular na aktor noong 90’s lalo na pagdating sa kanyang mga mature role.
Photo Credit: jdomagoso/Instagram
Naging parte rin noon si Isko ng “That’s Entertainment”, isang daily variety show noon na ang gusto ay ang yumaong si German Moreno o mas kilala bilang si Kuya Germs.
Photo Credit: jdomagoso/Instagram
Ngayon ay batid natin na abala si Isko Moreno sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang alkalde ng Maynila, kaya naman ang pagiging isang aktor niya ay kanyang isinantabi na.
Photo Credit: jdomagoso/Instagram
Ngunit alam niyo ba, na isa sa mga anak ni Isko Moreno, ay tila nakuha sa kanya ang pagkakaroon ng interes sa pag-aartista. At ito nga ay ang kanyang pangatlong anak na lalaki na si Joaquin Andre Domagoso.
Photo Credit: jdomagoso/Instagram
Ipinanganak noong Oktubre taong 2001 ang pangatlong anak ni Isko na si Joaquin. Kamakailan lamang ay nagtapos na ang binata ng kanyang senior high school sa Southville International School and Colleges, kung saan ay hinirang siya noon lamang nakaraang taon sa nasabing paaralan bilang “Mr. Teen SGEN”.
Photo Credit: jdomagoso/Instagram
Tulad ng kanyang ama, ay sadyang gwapong binata rin si Joaquin, kaya naman talagang masasabi ng marami sa atin na may magandang career na naghihintay sa binata pag pumasok ito ng showbiz.
Photo Credit: jdomagoso/Instagram
Ngayon nga ay unti-unti ng sinimulan ni Joaquin ang kanyang pangarap bilang isang artista at ito ay sa tulong ni Daddie Wowie Roxas, ang dating manager ng kanyang amang si Isko.
Photo Credit: jdomagoso/Instagram
Ang 17-taong gulang na gwapo at mestisong si Joaquin ay nagsimula ng pumasok sa showbiz, kung saan, kamakailan ay napanood natin siya sa studio 7, habang kasama niyang nagpe-perform si Mavy (isa sa kambal na anak ni Zoren at Carmina).
Noong July 13 naman, ay matatandaan na lumabas si Joaquin sa isang episode ng “Maynila” na pinamagatang “My Unwanted Son”, at dito naman niya ipinakita ang kanyang natatanging talento sa pag-arte.



Para naman sa mga magulang ng gwapong binata na sina Isko Moreno at asawa nitong si Diana, ay malaking kasiyahan para sa kanila ang makita na unti-unti ng natutupad ang pangarap ng kanilang anak. Ngunit tulad ng ibang mga magulang ay nais pa rin nila na makapagtapos ito ng pag-aaral.
Si Isko Moreno ay halos dalawang dekada ng kasal sa kanyang asawa na si Diana Lynn Ditan, sila ay may limang mga anak at ito ay sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan, at Drake Marcus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *