Kilalanin Ang Gwapong Kapatid Ni Coco Martin Na Sumabak Na Rin Sa Pag-Aartista

Isa sa mga hinahangaang aktor ngayon sa industriya ng showbiz ay si Coco Martin, maliban kasi sa kanyang taglay na karisma at kagwapuhan, ay talaga namang marami ang bumibilib sa kanyang pagiging mahusay na aktor, lalo na pagdating sa mga action movies kung saan ay ipinakita niya ang kanyang galing sa pakikipagbakbakan.




Ang Kapamilya primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ang isa sa mga proyektong pinagbibidahan ni Coco Martin na tinangkilik ng maraming mga manonood, kaya naman ilang taon na rin itong umeere sa telebisyon.

Image Credit via Google

Samantala, alam niyo ba na si Coco Martin ay nagsimula munang ipamalas ang kanyang husay sa pag-arte sa pag-ganap ng mga karakter na sa Indie Film, kung saan siya nga ay tinaguriang ‘Prince of Indie Movies” dahil sa kanyang husay bilang aktor. Nang mahasa na nga niya ang galing niya sa pag-arte, ay dito na siya nagsimulang pasukin ang showvbusiness.

Image Credit via Google

Hindi lamang sa pagiging isang mahusay na aktor hinahangaan si Coco Martin, dahil mas hinangaan sa kanya ng mga tagasuporta niya ang kanyang pagiging “family centered person”, kung saan ay malaki nga ang kanyang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Kamakailan naman ay may mga lumabas na ulat, na ang isa sa mga nakababatang kapatid ni Coco Martin ay nais ring sundan ang yapak ng aktor at pasukin nga ang mudo ng showbiz. Ito nga ay ang 20-taong gulang na kapatid ni Coco na kinilalang si Ronwaldo.
Para naman kay Coco, ang mapapayo niya sa nakababatang kapatid na nagnanais na sumabak sa pag-aartista, ay ang magsimula muna ito kung saan siya nagsimula, at ito nga ay ang pagbida sa mga indie films upang mahasa ito sa pag-arte.

Image Credit via Google

Dagdag opa ng aktor, ang pagsisimula sa Indie Film ang siya ring magiging daan ng kanyang kapatid para maging handa sa pagpasok ng showbiz. Ayon sa ilang mga ulat, sa ngayon ay nagsisimula ng bumuo ng kanyang sariling pangalan ang kapatid ni Coco na si Ronwaldo. Dahil din sa mga mahusay na pagganap nito sa mga Indie Film na kanyang kinabilangan, ay nanalo na rin siya ng iba’t ibang mga awards.




Si Ronwaldo ay minsan na ring ipinamalas ang kanyang husay sa pag-arte sa telebisyon, ito nga ay ang ng magkaroon siya ng “role” sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang primetimse series na pinagbibidahan ng nakatatandang kapatid niyang si Coco. Tulad ni Coco, ay kakikitaan din ng taglay na kagwapuhan at karisma si Ronwaldo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *