Kilalanin Ang Gwapong Unico Hijo At Bunsong Anak Ni Willie Revillame

Isa sa mga hinahangaan na TV host ngayon sa telebisyon ay si Willie Revillame. Si Willie ay naging komedyante ring aktor, bago pa man nga siya sumabak sa pagiging TV host kung saan siya mas lalong naging popular. Dahil sa naging pagpupursige ni Willie, ngayon nga ay isa na siya sa mga multi-millionaire at tanyan na TV host sa ating bansa.




Maliban sa pagiging isang sikat at hinahangaang TV host, ay batid ng marami sa atin na isa ring mapagmahal na ama si Willie sa kanyang mga anak. Siya ay may apat na anak, ngunit iba-iba ang mga ina nito, dahil noon nga ay aminado naman ang TV host na talagang marami siyang nakarelasyon.

Image Credit via Instagram

Ang aktres na si Meryl Soriano ang panganay na anak ni Willie na kilang kilala na ng publiko dahil nasa industriya rin nga ito ng showbiz. Aang dalawa pang anak na babae ni Willie na may mga angking kagandahan ay sina Louisse Anne at Marimomnte, na minsan na ring ipinakilala ni Willie sa publiko. Hindi tulad ni Meryll, ay pinili nina Louisee Ann at Marimonte ang pribadong buhay, kaysa pasukin ang showbiz.

Image Credit via Instagram

Maliban nga sa tatlo niyang anak na babae, ay may nag-iisang anak na lalaki ang TV host, at ito nga ay unico hijo at bunsong anak niya na si Juamee Revillame, na kamakailan nga lamang ay ipinakilala ni Willie sa publiko sa segment ng kanyang programang Wowoween na ‘Tutok to Win.’

Image Credit via Instagram

Sa pagpapakilala ni Willie sa kanyang unico hijo, ay ibinahagi niya na ito ay kanya ngang anak sa dating asawa niyang si Liz Almoro. “At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame”, ani Willie.

Image Credit via Instagram

Kung atin pang matatandaan, buwan ng Marso taong 2005 ng ikasal si Willie kay Liz Almoro, kung saan ay tatlong taon din na tumagal ang kanilang pagsasama bago pa man nga ito na-annul noong taong 2008, maatapos ang naging pagsampa ni Liz ng petisyon sa korte.

Image Credit via Instagram

Ayon sa mga ulat, nasa kustodiya ni Liz ang anak nila ni Willie na si Juamme, ngunit pinapayagan naman nito ang anak kapag nais nitong makasama ang kanyang ama, o kung nais din ni Willie na makita at makasama ang kanilang anak.




Ibinahagi naman ni Willie, na naihanda na niya ang lahat para sa hinaharap ng kanyang mga anak. At kahit nga magkaka-iba ang ina ng apat na anak niya, ay sinisigurado naman niya na pantay ang pagmamahal niya sa mga ito, at malapit ang mga ito sa isa’t isa at kung magturingan nga ay buo at tunay na magkakapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *