Kilalanin Ang Ilan Sa Mga Sikat Na Artista Na Nakapagtapos Ng Kolehiyo

Alam naman nating lahat sa ating lipunan, na hindi lahat ng mga artista ay nakapagtapos sa kanilang pag-aaral at nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng kurso sa kolehiyo.




Ngunit may mga kilalang personalidad na sa kabila ng kanilang kasikatan ay pinili pa rin na makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo. Kilalanin natin ang 7 personalidad sa industriya na nakapagtapos sa kolehiyo at kung ano ang kursong kanyang natapos.

1. Liza Soberano

Photo Credit: lizasoberano/Instagram

Ang isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz na si Liza, sa kabila ng kasikatan ay pinili ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makapagtapos. Ibinahagi ni Liza na siya ay nag-enroll at kumuha ng kursong BS Psychology sa Southville International. Ilan lamang sila sa mga personalidad sa showbiz na sa kabila ng kasikatan at tagumpay ay pinahalagahan na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi nga naman natin maitatanggi na napakahalaga ng edukasyon sa bawat isa, dahil kahit mga sikat at kilalang personalidad ay hindi pinalampas ang pagkakataon na makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

2. Jacque Gonzaga

Photo Credit: jackiegirl/Instagram

Sa noontime show naman sa ABS-CBN network na “It’s Showtime” nakilala si Jackie bilang si “Ate Girl” na laging kakulitan ng sikat na komedyanteng si Vice Ganda. Si Jackque ay nagtapos sa Miriam College sa kursong International Studies.

3. Enchong Dee

Photo Credit: mr_enchongdee/Instagram

Sa De La Salle University naman nagtapos ang sikat na aktor na si Enchong Dee, kung saan siya ay natapos sa kursong Developmental Studies. Kabilang din siya sa swimming team ng Unibersidad na ito.

4. Robi Domingo

Photo Credit: iamrobidomingo/Instagram

Kilala bilang isang magaling na host, BS Health Sciences naman ang kinuhang kurso ni Roby sa kolehiyo at natapos niya ito sa paaralan ng Ateneo de Manila University.

5. Carla Abellana

Photo Credit: carlaangeline/Instagram

Si Carla ay nagtapos rin ng kanyang kolehiyo sa De La Salle University, sa kursong Psychology.

6. Marian Rivera

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Sikat na personalidad sa GMA network. Natapos niya ang kanyang kursong Psychology sa De La Salle University, Dasmariṅas.

7. Kris Aquino

Photo Credit: krisaquino/Instagram




Kilala si Kris bilang isang magaling na host, kung saan siya ang binansagan na “Queen of All Media” sa industriya. Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Ateneo de Manila sa kursong English Literature, kung saan ay naging proud sa kanya ang kanyang inang si Cory Aquino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *