Kilalanin Ang Ina Ni Lovi Poe Kung Saan Minana Ng Actress Ang Kanyang Ganda

Hindi nga naman natin maikakaila na si Fernando Poe Jr., ang isa sa mga gwapong aktor ng kanyang kapanahunan, at hindi nga lang ang gwapong mukhang ito ang tumatak sa marami sa atin kundi maging ang kanyang karisma at galing sa pag-arte.




Inidolo nga ng marami si FPJ kung saan siya ay tinaguriang “Da King” ng Philippine Cinema dahil sa dami ng mga pelikulang kanyang nagawa na talagang tumatak sa maraming Pilipino.

Image Credit via Google

Ngunit alam niyo ba na maliban kay Susan Roces na naging asawa ni FPJ, ay may isa pang babae na bumihag sa puso ni “Da King” at kilala ito bilang si Rowena Moran.
Isa umano si Rowena Moran sa mga babaeng nakuha ang atensyon ni FPJ noon, ayon ito sa isang artikulo na inilabas ng GMA.

Image Credit via Google

Ayon sa tala ng artikulo, si Rowena Moran ay isang beauty queen na nakilala ni FPJ ng minsang magkasama sila sa proyektong Isang Dakot na Bigas at Puno na ang Salop.

Image Credit via Google

Ang aktres na si Lovi Poe, ang isa sa magagandang aktres sa industriya ng showbiz ngayon at hindi naman kataka-taka ito dahil sa maganda at gwapong lahi ang kanyang pinagmulan. Dahil siya ang naging bunga ng minsang pag-iibigan nina FPJ at Rowena Moran.

Image Credit via Google

Samantala, marami ang nagsasabi na mas kamukha ni Lovi Poe ang kanyang ina, at ang naturang gandang taglay ng dalaga ay dito niya minana.

Image Credit via Google

Nagbahagi nga ang GMA network ng ilang larawan ng mag-ina kung saan ay makikita na talagang nananalaytay sa dugo nila ang natural na kagandahan na kanilang taglay.
Makikita sa larawan ang tila hindi nagbagong mukha ni Rowena Moran, na talaga namang ikinamangha ng marami.

Image Credit via Google

Makikita nga naman natin na ang pagiging isang magaling na artista at talent sa pag-arte ni Lovi Poe, ay nakuha at minana niya sa kanyang ama na si Fernando Poe Jr., ngunit ang kanyang taglay na ganda ay talaga namang naman niya sa kanyang inang beauty queen.




Ilan sa mga naman ni Lovi Poe sa mukha ng kanyang ina ay ang kanyang huge piercing eyes at sharp cheekbones.

Matatandaan na noong nag celebrate ng ika-11th Death Anniversary si FPJ, ay nabanggit ni Lovi Poe na marahil kung buhay pa ang kanyang ama ay wala siya sa showbiz industry ngayon at isa na sigurong siyang Phycologist.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *