Kilalanin Ang Ipinagmamalaking Foreigner Boyfriend Ng Aktres Na Si Glaiza De Castro

Nakakabilib nga naman ang isang foreigner na naninirahan o bumisita dito sa ating bansa kung natutunan na niya ang ating kultura at lalo na ang lengwahe nating mga Pilipino.



Saan mang panig ng Pilipinas, ay tila may mga foreigner ka ng makikita na naninirahan sa ating bansa, dahil sa natutuwa sila sa pagiging hospitable at lovable ng mga Pinoy.
Isa nga sa mga kinatutuwaan ng mga netizens ngayon na foreigner ay ang mula sa Ireland na boyfriend ng aktres na si Glaiza De Castro na si David Rainey.
Photo Credit: david_rainey89/Instagram
Bago nga nagdeklara ng quarantine sa ilang mga lugar sa ating bansa, ay kasalukuyan ng namamalagi sa Baler, Aurora si Glaiza. Doon ay kasama niya ang kanyang pamilya at ang kanyang foreign boyfriend na si David.
Photo Credit: david_rainey89/Instagram
Ang pamilya ng aktres, ay may pagmamay-ari ng lupain sa nasabing probinsya, at dito nga nila itinayo ang kanilang bed and breakfast place na tinawag nilang Casa Galura.
Matatandaan na noong January 2019 ng magkakilala sina Glaiza at David sa napakagandang Isla ng Siargao.
Photo Credit: david_rainey89/Instagram
Noon ngang panayam ng 24 Oras ang aktres, at may tanong dito kung kamusta na ang kanyang boyfriend, matapos abutan ng quarantine period sa probinsya ay very proud niro ng ikinuwento ang mga bagay na natutunan ni David sa buhay probinsya.
“Sobrang parang mas local pa sya kesa sakin.”
Photo Credit: david_rainey89/Instagram
“Namamalengke siya. Nag-gogrocery siya.” Actually andun siya ngayon sa labas, namamalengke.” Sa isang Instagram post naman na ibinahagi ni Glaiza, ay makikita na kasama niya si David sa paggawa ng isang awit na idinidicate niya para sa ating mga matatapang at masisipag na frontliners at ito nga ay ang awiting “Ode To The New Heroes.”
Photo Credit: david_rainey89/Instagram
“During the first weeks of the quarantine, @david_rainey89 and I tried to make a song with our frontliners in mind. But it took a little while to convince him to sing with me on this video as he’s still a bit shy.”
Photo Credit: david_rainey89/Instagram
Ibinahagi ni Glaiza, na bago man niya makasama sa pag awit ang boyfriend ay medyo natagalan pa siyang kumbinsihin ito dahil sa nahihiya ito.



“Anyway, this is the least that we can do while we’re here. We all have different ways to cope, help and support and we hope we are able to share positivity amidst uncertainty through this. Thank you @rona_pie for the song title suggestion.”
Photo Credit: david_rainey89/Instagram
Naging usapan din na ang pagkakaroon ng quarantine period ay mayroong naitulong sa aktres, dahil di umano sa mga panahon na siya ay nanatili sa kanilang tahanan sa probinsya ay natuto siya ng gawaing bahay tulad na lamang ng paglilinis, paglalaba, pagtatanim at marami pa ngang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *