Kilalanin Ang Isa Sa Mga Magagandang Anak Na Babae Ni Wowowin Host Willie Revillame

Maliban sa anak ni Willie Revillame na si Meryll Soriano, ay agaw-pansin na rin ngayon sa socmed ang isa pang anak na babae ng sikat na TV host dahil sa taglay nitong kagandahan, at ito nga si Marimonte Shanelle “Mont” Revillame.




Si Mont ay anak ni Willie sa kanyang dating partner niyang si Sharon Viduya, at ngayon nga ang dalaga ay nasa labing-walong taong gulang na. Kasalukuyang naninirahan ngayon ang dalaga sa poder ng kanyang ina sa Baguio, kung saan sa naturang lugar din siya lumaki.

Image Credit via Google

Nu’ng nakalipas na Father’s Day ay nakasama ni Mon ang kanyang amang si Willie at iba pa niyang kapatid na nagdiwang ng nasabing okasyon sa pribadong resort ng kanyang ama sa Palawan. Kasama rin niya sa lugar ang mga pamangkin niya na mga anak ng kanyang half-sister na si Meryl Soriano.

Image Credit via Google

Ayon kay Mont, hindi man niya madalas makasama ang amang si Willie dahil sa Baguio siya naninirahan ay malapit na man siya dito, sa katunayan ay madalas umanno niyang nakaka-usap ang ama sa chat. Tuwing bakasyon naman umano ay nasa poder siya ng kanyang ama sa bahay nito sa Ayala.

Image Credit via Google

“For me naman, since I live in Baguio City, the best way I can talk to him is through chat but during my vacation, I got to spend time with him and spend time in Ayala together. So that’s how I spend time with dad.”

Image Credit via Google

Hindi nga lamang sa kanyang ama malapit si Mon, dahil sa kabila ng pagiging half-sister nil ani Meryl Soriano, ay malapit rin silang dalawa ng kanyang ate.

Image Credit via Google

Matatandaan na ibinunyag ni Willie sa kanyang naging programa noon sa ABS-CBN na Wowowee noong taong 2007 ang patungkol sa kanyang isa pang anak na babae, at ito nga ay si Mont, na tatlong taong gulang pa lamang ng mga panahon na yo’n.

Labis naman ang naging kasiyahan ni Willie nu’ng nakaraang Father’s Day, dail kasama niya ang tatlo niyang anak at dalawang apo na ipinagdiwang ang nasabing okasyon sa kanyang pribadong resort.




Tuwing may espesyal na kaganapan nga lalo na pagdating sa kanilang ama, ay madalas na sinosorpresa ni Meryl Soriano ang amang si Willie, at madalas ay nagsasama-sama silang magkakapatid upang mas mabigyan ng kasiyahan ang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *