Kilalanin Ang Isang Pinay Na Pinag-uusapan At Sikat Na Sikat Sa Mundo Ng TikTok

Ang “TikTok” ay isa sa mga video sharing apps, na patok at kinaaaliwan ngayong gamitin ng maraming mga netizens.




Iba’t ibang lahi nga naman ang makikita na gumagawa ng mga video sa TikTok apps na ito, at marami sa mga “user” ng video sharing apps na ito, ay talaga namang kinaaliwan ito lalo na sa mga oras na nakakaramdam sila ng pagka-bored.

Photo Credit: bella.poarch/Instagram

Ngunit alam niyo ba na may Isang Pinay ngayon, ang talaga namang sikat na sikat na sa TikTok, dahil sa kanyang nag-viral na TikTok video? At siya nga ay walang iba kundi si Bella Poarch, isang Pinay nan aka-base sa Amerika.

Photo Credit: bella.poarch/Instagram

Si Bella Poarch, ay ipinanganak sa Pilipinas taong 1997, at noong siya ay 13-taong gulang na, ay nagtungo siya sa Amerika kasama ang kanyang mga magulang upang doon na manirahan. Ngunit sa ngayon, ay nasa Hawaii, naninirahan ang nasabing dalaga.

Photo Credit: bella.poarch/Instagram

Nagsimulang maging TikTok star si Bella matapos mag-viral ang TikTok video niya na “M to the B”, na sa kasalukuyan ay umabot na ito sa 500-million viewers.

Photo Credit: bella.poarch/Instagram

At dahil nga sa napakarami ng nag-view ng TikTok video na ito ng dalaga, ay itinuturing na ito ngayon na “most watched” video sa TikTok.

Photo Credit: bella.poarch/Instagram

Samantala, bago pa man nakilala si Bella bilang TikTok star, ay una muna itong naglingkod sa United States Navy ng halos tatlong taon.

Photo Credit: bella.poarch/Instagram

Matatandaan naman na minsan ng binatikos ng mga Koreano si Bella dahil sa isa niyang tattoo, kung saan ay naging laman siya ng balita dahil dito.

Maliban kasi sa pagkakaroon ng magandang mukha at personalidad ni Bella, ay kilala rin siya sa pagkakaroon ng napakaraming tattoo sa kanyang katawan.

Ang tattoo ni Bella na kahawig ng rising Japanese sun, ang binatikos noon ng mga Koreano, ito nga ay dahil para sa mga Koreano ito ay simbolo ng ‘oppresion’.

Dahil sa pangyayaring ito, ay agad na humingi ng paumanhin si Bella sa mga Koreano, na kanya umanong nasaktan dahil sa kanyang tattoo.

“I’m very sorry if my tattoo offends you. I love Korea please forgive me.”
Samantala, sa isang Twitter post ay ibinunyag naman ni Bella, na siya ay mayroong mental health problems.




“I’m diagnosed with major d3pressive disorder and PTSD since 2017. So, don’t worry about me, I’ve been living with it and I have a good support system to help me.”

Ang TikTok account ni Bella, sa ngayon ay mayroon ng mahigit 43 million followers at 700k likes, na talaga namang nakakamangha sa mabilis na dumami dahil ito ay sinimulan niya lang gawin noong buwan ng Abril 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *