Kilalanin Ang Isang Preschool Teacher Na Pang FHM Model Ang Ganda

Marami sa ating mga estudyante ang palaging nagrereklamo dahil sa hindi magandang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Isa rin sa mga kinatatakutan nating mga estudyante ay ang mga gurong walang awang nagpabagsak ng mga estudyante. Lahat naman siguro tayo ay nakaranas na magkaroon ng mga gurong “terror.” Pero syempre, may mga guro rin tayong naging paborito natin dahil sa kanilang karapatan at konsiderasyon.

Photo Credit: @realkhenylhabs/Instagram




Pero paano na lamang kung ang guro mo ay kasing sexy ng isang modelo? Aabsent ka pa ba sa klase? Isang guro ngayon ang pinagkakaguluhan ng mga netizens sa social media dahil malakas nitong alindog na dala. Nakapagtapos ng kursong Elementary Education major in Early Childhood Education sa University of St. La Salle, ginulantang ng 21-anyos na si Kheny Soliva Berco ang mga netizens dahil sa kanyang ganda.

Photo Credit: @realkhenylhabs/Instagram

Bago pa man siya makapagtapos ay nakapagtapos na siya sa St John Institute sa loob ng tatlong buwan bilang isa sa mga kinakailangan para siya’y makamartsa. Maaari nang maituring na social media star si Kheny sa kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit 120,000 na followers sa Facebook at 11,000 naman sa Instagram.

Photo Credit: @realkhenylhabs/Instagram

Ayon kay Kheny, gustong-gusto niya raw talagang mabigyan ng magandang simulain sa buhay ang mga bata kung kaya’t ito ang napili niyang kurso. Bagama’t hindi raw madali ang magturo ng mga pre-school, ito naman ang kaniyang gustong gawin. Nakapagtataka man, ngunit ang kanyang paboritong subject ay sining. Mahilig raw siya mag-drawing, painting, at mag-recycle ng mga bagay. Ito rin ang naging rason niya upang makagawa ng mga creative na visual aids para sa kanyang mga estudyante.

Photo Credit: @realkhenylhabs/Instagram

Isa sa mga nakakamanghang rebelasyon ni Kheny ay nang sabihin niyang mayroon siyang alagang ahas sa kanilang bahay. Sa sobrang pagmamahal niya kay Damian, pangalan ng kanyang alagang ahas, katabi niya itong matulog at gumawa ng lesson plan.
Wala pa naman raw siyang balak magtrabaho agad dahil gusto niya munang ma-enjoy ang kanyang pagtatapos. Hindi na rin siguro nakapagtataka kung marami nang mga institusyon ang nag-aalok sa kanyang trabaho.

Photo Credit: @realkhenylhabs/Instagram
Photo Credit: @realkhenylhabs/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *