Kilalanin Ang Kapuso Aktor Na Malapit Na Maging Ganap Na Isang Ama

Sa kabila ng krisis na pinagdaanan natin ngayon, ay marami pa ring mga bagay at biyaya na dumarating sa ating mga buhay na siyang nagbibigay ng pag-asa sa atin sa kabila ng hirap at takot na ating nadarama.



Kabilang sa mga taong nakatanggap ng biyaya na pagkakaroon ng sanggol sa gitna ng krisis, ay ang ilan sa ating mga kilalang celebrity, kung saan ang iba sa kanila ay ligtas ng naka pagsilang ng kanilang mga cute at malusog na baby, at ang iba naman ay inaantay pa lamang ang araw ng pagsilang ng kanilang mga cute na anghel.
Photo Credit: #markherras/Instagram
Ang magkasintahan sina Mark Herras at Nicole Donesa, ay isa sa mga mag-partner sa showbiz, na soon-to-be-parents na rin ngayon.
Photo Credit: #markherras/Instagram
Nitong ngang ika-13 ng Setyembre 2020, araw ng Linggo, ay kini pirma ng magkasintahan Mark Herras at Nicole Donesa, na sila ay nalalapit ng gampanan ang pagiging isang magulang sa tunay na buhay dahil si Nicole, ay limang buwan na umaming buntis sa maging panganay niyang anak.
Photo Credit: #markherras/Instagram
Maliban pa sa naging kumpirmasyon na ito ng magkasintahan, matatandaan na nauna na nilang in anunsyo ng buwan ng Hunyo sa publiko, na silang dalawa ay nalalapit ng magpakasal.
Photo Credit: #markherras/Instagram
“We are happy, we are proud and we are excited to tell you guys, Nicole is pregnant, “ ito nga ang naging masayang pahayag ng aktor, upang ipaalam sa kanyang mga tagahanga ang nalalapit na bagong journey niya sa buhay.
Photo Credit: #markherras/Instagram
Para naman sa mga basher, na batid nating may masasabi-at masasabi sa balitang ito tungkol sa pagpapakasal ng magkasintahan at sa nalalapit na nila ng pagkakaroon ng anak, ay narito naman ang nauna ng pahayag ng aktor.
“Pero hindi ‘yon ang reason kung bakit kami magpapakasal, Ok? Nilinaw ko lang sa mga mamba-bash diyan.” Maliban nga sa naging kumpirmasyon na ito ng dalawa, ay masaya rin nilang ibinahagi sa kanilang vlog, ang mga naging prenatal check-up ni Nicole noong mga nakaraang buwan.
Ayon pa kina Mark at Nicole,ay matinding pag-iingat ang kanilang ginagawa upang masiguro ang kaligtasan ni Nicole at ng kanilang magiging baby,kaya naman ay mahigpit nilang sinusunod ang mga safety protocols, katulad ng pagsusuot ng facemask, faceshiel at ang laging paggamit ng alcohol.
Magka-iba naman ang nais nina Mark at Nicole, sa magiging gender ng kanilang baby, si Mark ay nais na “baby boy” ang maging panganay nilang anak, samantalang si Nicole ay ‘baby girl” naman ang gusto.
Sa ngayon nga ay hindi pa alam ng dalawa kung ano ba ang magiging “gender” ng baby nila, ngunit magkaiba man ay tinatawag na nila itong si “Baby Corky”.
Marami siguro ang nagtatanong kung bakit, ngayon lamang inilahad ng dalawa sa publiko ang naging pagbubuntis ni Nicole, at narito nga ang kasagutan.
“Syempre during this time, it’s nice to keep things private muna, especially during the very sensitive stages sa akin. First trimester was so hard for me. Both of us actually”, ito nga ang naging pahayag ni Nicole.
Para naman kay Nicole ay nakikita niya sa kanyang soon-to-be-hubby na si Mark Herras, na maliban sa magiging mabuti itong asawa, ay batid niya na magiging isa rin itong mabuti at responsableng ama.



Ayon kay Nicole, simula sa kanyang naging paglilihi, ay laging nasa tabi niya ang kasintahan na umaalalay sa kanya. Nakita rin umano niya kay Mark, na ginagawa nito ang lahat na paghahanda, sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby.
“I’m really also proud of this guy, he’s doing everything he can, to prepare to be the dad he’s going to be”, pahayag ni Nicole.
Maliban nga sa dinadalang sanggol sa sinapupunan ni Nicole, ay mayroon ng unang anak ang aktor na si Mark Herras, at ito ay ang kanyang napakagandang anak na babae na si Ada Sofia Nicolette Herras. Si Ada, ay anak ni Mark sa dati niyang personal assistant na si Diane Evangelista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *