Kilalanin Ang Lalaking Nagpapatibok Ang Nagpapasaya Sa Buhay Ngayon Ni Dina Bonnevie

Sa buhay pag-ibig, marami sa atin ang nakaranas na mabigo at masaktan sa mga taong ating minamahal na dumarating sa ating buhay, ngunit hindi ito dahilan upang isara natin ang puso para sa bagong pag-ibig na maaaring magbigay sa atin ng lubos na kaligayahan at pagmamahal na ating pinapangarap.




May ilan nga ang nagsasabi na ilang beses nang tayo ay mabigo sa pag-ibig, matuto lang tayong mag-antay, dahil siguradong may tamang tao na inilaan ang Diyos sa bawat isa sa atin.

Photo Credit: dinabonnevie/Instagram

Halos ganito ang naging istorya ng buhay pag-ibig ng aktres na si Dina Bonnevie.
Marami sa atin ang halos nasubaybayan ang kwento ng unang pag-ibig ng aktres. Unang tumibok ang kanyang puso sa kapareho niya ding artista na si Bossing Vic Sotto, kung saan ay nauwi ang kanilang pag-iibigan sa kasalan.

Photo Credit: dinabonnevie/Instagram

Ang kanilang pagmamahalan, ay nagbunga ng dalawang anak, ito ay sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto. Ngunit sa ilang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, ay hindi rin ito naging isa sa mga successful marriage dahil kalaunan ay naghiwalay din silang dalawa.

Matapos nga ang pagkabigo sa una niyang marriage, taong 1996 ay ikinasal muli si Dina Bonnevie sa isang business executive at social activist na si Ricardo Penson. Ngunit kapareho ng una niyang pagpapakasal, hindi rin ito naging happily ever after, dahil matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

Photo Credit: dinabonnevie/Instagram

Dalawang beses man nabigo sa kanyang marriage ang aktres, ay hindi naman ito naging dahilan upang isara niya ang kanyang puso sa bagong pag-ibig.

Photo Credit: dinabonnevie/Instagram

Ngayon, ay masaya na muli ang buhay pag-ibig ng aktres dahil muling nagmamahal ang kanyang puso kay Ilocos Sur Representative Deogracias Victor Savellano, isa sa mga Deputy Speaker ng House of Representatives.

Photo Credit: dinabonnevie/Instagram

Sa naging panayam sa aktres sa show na “Magandang Buhay” sa Kapamilya Network, ay ibinahagi nito kung paano sila unang nagkakilala ni DV (Deogracias Victor). Ayon kay Dina, una silang nagkita ng magkaroon siya ng shooting ng pelikula sa opisina nito, at matapos nga ito ay halos madalas na silang nagkikita at nagkakasama dahil sa pagkakaroon nila ng business project sa Ilocos Sur.

Una umano ng nagpapahiwatig ng interes si DV sa kanya, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Pero dahil sadya nga sigurong nais siyang mapasagot ni DV ay hindi ito tumigil at huminto sa panunuyo sa kanya.

May isa ring pangyayari na ginawa si DV na hindi makakalimutan ng aktres, at ito ay ang isang sorpresa birthday treat na ginawa nito para sa kanya.

Kwento ni Dina, nagshoshooting siya sa isa niya ang pelikula ng iset-up siya ng buong crew ng pelikula at anak niyang si Danica at dito nga ay kinantahan siya ni DV ng Ilocano version na “Ikaw” at ng mga oras ding iyon ay nagtapat ito ng pag-ibig nito para sa kanya.




At dahil sa matiyagang panunuyo ni DV sa actress, sa huli ay matagumpay nitong mapasagot si Dina Bonnevie. Kaya noong 2012 nga ay nagpakasal ang dalawa ng civil wedding na ginanap sa Antipolo Regional Trial Court.

Ikinatuwa naman ito ng mga tagahanga ni Dina Bonnevie, dahil kahit pa nga ilang beses nabigo sa pag-ibig ang kanilang idolong aktres ay muli itong naging masaya ngayon sa bago nitong pag-ibig sa piling ng kanyang asawa na si DV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *