Kilalanin Ang Lalaking Nagpapatibok At Nagpapakilig Sa Puso Ng Aktres Na Si Angelica Panganiban

Dahil sa kanyang IG post nito lamang nakaraan, kung saan ay makikita na kasama niya ang isang lalaki na nagngangalang si Greg Homan, ay muli kang naging usapan sa social media ang actress na si Angelica Panganiban o mas kilala sa showbiz ng kanyang mga kaibigan bilang si “Angge’.




Matatandaan na noong Nobyembre 2020 ay naging usap-usapan na mayroon ng bagong nobyo ang aktres, ito ay matapos niyang magbahagi ng isang larawan kung saan ay makikita na may kasama siyang lalaki habang nag-aabang ng fireworks. Sa kabila nito, ay wala namang kumpirmasyon na mula kay Angge, kung ito ba ay kanya na ngang boyfriend.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Nang lumabas ang nasabing larawan, ay maraming mga netizens ang nagtanong kung sino ang naturang lalaki, at kung ano nga ba ito ng aktres. Hindi naman nagtagal, kalaunan ay lumabas din ang pagkakakilanlan nito, ngunit tanong pa rin ng marami, sila na nga ba ni Angge.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Samantala, sa bago ngang larawan na ibinahagi ngayon ng aktres, ay makikita na muli silang magkasamang dalawa, ngunit mapapansin na larawan nilang ito, na sumisiksik sa pagitan nila ang alaga nilang aso na si Roxy.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

“Dad, Mom, make space for me? Cause I’m the cutest”, ang naging saad nga sa caption.
Dahil nga sa walang kumpirmasyon mula kay Angge, kung ano nga ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Greg Homan, kaya naman tanong pa rin ng marami ngayon, kung siya na nga bang dalawa.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Ayon sa ilang mga ulat, si Greg ay nagtatrabaho sa Bay Marine Subic, na nagdidisenyo ng mga aluminum boats at landing crafts, at maging sa Mangrove Resort Hotel at isang boutique hotel sa Olongapo, Zambales.

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

Makikita naman sa mga larawan ni Angge na mukhang masaya ito kay Greg, kaya naman suportado din sila ng mga netizens, lalo na ng mga tagahanga ng aktres.
Narito nga ang ilan sa mga naging positibong komento ng mga netizens sa buhay pag-ibig ngayon ni Angge;

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

“They have similarity, smile and shape of face… I think ito na soulmate ni Angelika ”
“You deserve that happiness angelica!!! We are so happy for you!!!”
“MERON NA ULIT SYANG SUPER HOMAN CHAROT”

Photo Credit: iamangelicap/Instagram

“were happy for you Ms. Angelika,.. you deserve to be love and be happy truly.. no woman deserves to be hurt.. maging masaya nalang po tayo sa magandang nangyayari sa isang tao, kilala man natin o hindi.. di po natin ikaka famous o ikatatagumpay ang panlalait ng iba..”

“ang laki ng mga ngiti ni Angelica at human, happy for you both [praying hand] ”
Lahat naman ay deserve ang maging masaya, at makahanap ng taong magbibigay sa kanya ng kasiyahan niya sa buhay, lalo na nga ang tapat na pagmamahal.




Kaya naman hiling ng marami para sa aktres, ay sana ay tunay ngang natagpuan na nito sa katauhan ni Greg Homan, ang taong magbibigay ng labis na pagmamahal at kasiyahan sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *