Kilalanin Ang Landscape Artists Ng Nakamamanghang Hardin Ni Jinkee Pacquiao

Kamakailan nga lamang ay nag-viral online, ang napakaganda at nakamamanghang hardin ni Jinkee Pacquiao, kung saan ay makikitang maayos na nakatanim ang kanyang mga “baby plants.” Para nga kay Jinkee, ay kanyang mga baby ang mga halaman niya, lalo na’t isa siyang kilalang certified plantita.




Ngunit alam niyo ban a para maging maayos at maganda ang hardin kung saan itinanim ni Jinkee, ang kanyang mga “baby plants”, ay kinailangan niya ng tulong, ng eksperto pagdating sa landscaping.

Photo Credit: greenstyle.landscapingdesigns/Instagram

Makikita nga sa mga nag-viral na larawan ng hardin ni Jinkee, na nakamamangha ang naging pagkaka-ayos ng mga ito, at ang nasa likod nga ng maaliwalas sa mata niyang hardin na napakaganda ng landscaping ay ang landscape artist na si Roy Bacalso.

Photo Credit: greenstyle.landscapingdesigns/Instagram

Si Roy Bacalso, ay 42-taong gulang, at nasa 10-taon ng nagla-landscape. Siya ay nagtatrabaho sa Green Style Landscape and Design, at nakabase siya sa General Santos City, kung saan mula ang angkan ng pamilya Pacquiao.

Photo Credit: greenstyle.landscapingdesigns/Instagram

Sa naging pakikipagchikahan ng PEP.ph kay Roy, sa pamamagitan ng direct message sa Instagram, ay ibinahagi niya, na ang mag-asawang Manny at Jinkee, at nagpatrabaho sa kanya ng hardin ng mga ito sa kanilang tahanan.

Photo Credit: greenstyle.landscapingdesigns/Instagram

“Sila Sen. Manny and Madame Jinkee, ‘ag nagpatrabaho ‘yan sa akin, they just have leave everything based on my imagination and artistry.” Dagdag pa ni Roy, may mga request din ang misis ni Manny Pacquiao sa kanya, na kung ano ang nais nito ng mangyari sa hitsura ng hardin nito.

Photo Credit: greenstyle.landscapingdesigns/Instagram

“May mga request ‘yan si Madame Jinkee like flowering plants or bonsai. It all depends sa area na ipa-landscape niya. “Si Sen. Manny naman seldom po ‘yan mag-request ng mga plants. While kami dalawa naman ni Madame Jinkee we’re not holding back sa mga ideas.”

Photo Credit: greenstyle.landscapingdesigns/Instagram

Ibinahagi rin ng landscape artist, kung ano anong mga uri ng halaman ang kanyang inilagay sa hardin ni Jinkee. At isa na nga sa mga ito, ay ang variated Alocasia elephant ear, na bibihira lamang makita, at nagkakahalaga ng Php25,000.

Photo Credit: greenstyle.landscapingdesigns/Instagram

“Actually, may variegated Monstera din siya sa Mansion 2, giant din yun. Naglagay din ako ng giant golden pothos, mga sansevieria, and the rare pink princess philodendrons or rubber plants.”

Kwento pa ni Roy, ang kakambal ni Jinkee na si Janet, ang unang nakarinig ng kanyang husay pagdating sa landscaping, at ito ay dahil din kay architect Rex Acdal. Dahil ng kay Janet, kaya siya nakapagtrabaho bilang landscape artist ng pamilya Pacquiao.




Taong 2012, ng unang subukan ni Jinkee Pacquiao ang husay at galing ni Roy Bacalso, pagdating sa landscaping. At ito ay ng ipare-design sa kanya ng mag-asawa, ang kanilang hardin sa Mansion 2 nila sa General Santos City.

Halos lahat nga ng mga property ng pamilya Pacquaio na kinakailangan na i-landscpae, ay si Roy Bacalso na ang gumagawa, kabilang na dito ang hardin sa Mansion, Pacman Wildcard Gym at ang The Roadhaus Hotel o mas kilala bilang The Pacman Hotel, at ang lahat ng ito ay matatagpuan sa General Santos City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *