Kilalanin Ang Limang Anak Ni Joey De Leon At Lahat Ay Matagumpay Ang Pamumuhay

Kilala bilang isa sa pinakamahusay na komedyante at artista si Joey De Leon, ngunit maliban dito ay isa rin siyang song writer at television host. Kabilang din siya sa comedy trio na Tito Vic and Joey (TVC), na nagkaroon ng napakaraming comedy movies at shows.



Ngayon, ay isa pa rin nga si Joey De Leon sa matatag ang karera sa industriya ng showbiz, kung saan ay araw-araw pa rin natin siyang napapanood sa longest-running variety show na Eat Bulaga! Ng GMA-7.
Image Credit via Google
Palatandaan na ang unang malaking break sa TV na kinabibilangan ni Joey De Leon ay ang gag show na IBC 13 na “OK Lang”.
Image Credit via Google
Ngunit alam niyo ba, na bago pa man maging isang entertainer sa telebisyon si Joey ay nagsimula muna siya bilang isang radio disc jockey at tagapagbalita, taong 1960. Ilang mga istasyon ng radyo ang kanyang pinag trabahuan, isa na dito ang KBS at maging sa pitong radio station na pagmamay-ari ng ABS-CBN Corporation ay nakapagtrabaho rin siya.
Image Credit via Google
Unang naging asawa ni Joey De Leon si Daria Ramirez, ngunit ngayon ay si Eileen Macapagal – De Leon na ang nagmamay-ari ng puso ng comedian-actor-host.
May limang anak naman si Joey De Leon, na kung saan hindi man lahat ng mga ito ay sumunod sa yapak niya sa showbiz ay matagumpay na naman ang naging karera ng mga ito.
Cheenee De Leon
Image Credit via Google
Panganay sa limang magkakapatid si Cheene, at siya ay anak ni Joey sa una nitong asawa na si Daria Ramirez. Si Cheene ay isang dating aktres, ngunit kalaunan ay iniwan din ang pag-aartista at mas piniling mamuhay ng tahimik at aikasuhin na lamang ang negosyo nila. Ito ay may asawa na din ngayon at masaya sa kanyang pamilya.
Keempee De Leon
Image Credit via Google
Pangalawa naman sa mga anak ni Joey sa kanyang unang asawa ang kilala nating aktor na si Keempee De Leon. Si Keempee ang anak ni Joey De Leon, na sumunod sa kanyang yapak na pumasok sa showbiz industry, kung saan ay taong 90’s ng ito ay unang sumabak sa pag-aartista.
Ngayon ay makikita pa rin si Keempee sa telebisyon, kung saan ay kadalasang siyang nabibilang sa mga palabas sa GMA-7.
Jocas De Leon
Image Credit via Google
Pangatlo sa magkakapatid, ngunit siya naman ang nag-iisang anak na babae ni Joey De Leon sa asawa nito ngayon na si Eileen Macapagal. Makikita nga sa larawan ang taglay na ganda ni Jocas.
Ngunit mas bibilib kayo sa dalaga dahil beauty and brain ang anak na ito ni Joey sapagkat nakapagtapos ito ng kanyang Bachelor of Science Master’s Degree sa Ekonomiks sa Fordham University sa New York.
Jako De Leon
Image Credit via Google
Nagtapos si Jako ng psychologist sa Fordham University sa New York, na kung saan ito dapat ang kanyang magiging pre-med course. Ngunit dahil malaki ang interest nito sa pag-gawa ng video ay tila itinadhana naman sa kanya ang kanyang trabaho ngayon, bilang isang executive producer sa GMA-7 ang kinabibilangang TV network ng kanyang ama.



Jio De Leon
Image Credit via Google
Bunso sa limang anak ni Joey De Leon. Siya rin ang bunsong anak ni Joey sa asawa nitong si Eileen, na kung saan ay may degree ito sa cinema studies na mula sa New York University.
Ngayon ang pinagkakaabalahan ni Jio ay ang paggawa ng mga palabas para sa local at cable television networks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *