Kilalanin Ang Limang Mayaman Na Artista Na Mahilig Sa Street Foods

Street foods o mga pagkaing mabibili sa tabi-tabi ng kalsada o kalye ang isa sa mga paboritong kainin at meryenda nating mga Pinoy. Karaniwang makikita natin na kumakain sa mga ganitong kainan ay mga simpleng tao at mga taong nasa tamang lebel lang ang ikinabubuhay.




Ngunit alam nyo ba? na ilan sa ating mga kilalang personalidad dito sa ating bansa ay paborito rin ang mga pagkaing ito. Noo akala natin na halos sa mga mamahaling kainan at restaurant lamang sila kumakain, ngunit yun pala kasiyahan din nila ang makakain ng mga pagkaiting ito kagaya nga ng street foods. Ang personalidad o artista ng kasiyahan na ang pagkain ng street foods ay sina;

1. China Cojuangco

Image Credit via Google

Hindi nga maikakaila na ang apelyidong Cojuangco ay galing sa mga mayaman na pamilya na nagmamay-ari ng malalaking lupain. Si China ay nagmula sa angkang ito, at siya ay kapatid ni Mikee Cojuangco at pamangkin rin siya ng ating dating president Cory Aquino.
Ngunit sa kabila ng mayamang angkang kanyang pinagmulan ay mahilig sa mga street foods si China, katunayan ay lagi siyang bumibi ng mga ito dito sa ating bansa o kahit sa ibang bansa na kanyang napuntahan.

Ang kanyang mga paboritong street foods ay ang tokneneng, fishball at marami pang iba, na kung saan ay pag kumakain siya nito ay ibinabahgi niya sa kanyang IG account at makikita ang kanyang kasiyahan sa pagkain ng mga ito.

HInahangaan naman si China ng kanyang mga tagahanga dahil sa pagiging simple niya pagdating sa mga pagkain.

2. KC Concepcion

Image Credit via Google

Isa naman si Kc Concepcion sa mga kilalang artista at singer na lumaki rin sa isang mayamang pamilya dahil siya ay anak ng dalawang sikat na celebrity na si Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Ngayon ay isa ng negosyante si KC, ngunit kahit pa siya ay isa ng negosyante ay alam niyo ba na kumakain rin siya ng mga street foods at isa sa kanyang mga paborito ay ang choco banana na matatagpuan sa Osaka, Japan.

3. Anne Curtis

Image Credit via Google

Ang diyosa sa kagandahan at isa sa mga It’s Showtime host na si Anne Curtis naman ay ibinahagi na isa sa kanyang paboritong street foods ay ang taho. Sa kanyang naging pag bisita noon sa Magandang Buhay ay naikwento ni Anne na mahilig siya sa taho at kapag dumadaan sa kanilang bahay ang nagtitinda nito ay talagang bumibili siya. Hinahaan naman lalo ng mga netizens si Anne ng umire sa telebisyon ang episode na ito ng Magandang Buhay.

4. Heart Evangelista

Image Credit via Google

Ang asawa naman ni Senador Chiz Escudero na si Heart Evangelista ay may paborito ring street foods, ito ay ang Pretzel ng New York. Kilala si Heart dahil sa kanyang mga “fashion trends”, na kung saan ay lagi siyang dumadalo ng mga fashion weeks sa iba’t ibang lugar. Kaya’t hindi talaga inaasahan ng kanyang mga tagahanga na kumakain rin pala si Heart ng street foods.

5. Gretchen Barretto

Image Credit via Google

Si Gretchen Barretto ay maituturing na “Crazy Rich Asian” dahil ang kanilang pamumuhay ay napakaganda at talaga namang napakayaman niya dahil makikita sa kanyang mga kasuotan at kagamitan na ang mga ito ay talagang mamahalin ang presyo. Ngunit magkaiba man ay alam niyo ba na isa sa paboritong pagkain ni Gretchen ay street foods at ito ay ang pretzel at ang hotdogs na enjoy na enjoy siya kapag kumakain siya ng mga ito.




Sila lamang ang ilan sa mga sikat na personalidad na hinahangaan mo dahil kahit ang kanilang mga pamumuhay ay talagang napakagarbo ay kumakain rin pala ng pagkaing paborito ng marami sa atin at ito ay ang “street foods”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *