Kilalanin Ang Maganda At Cum Laude Na Anak Ni Bossing Vic Sotto

Para nga naman sa isang magulang, isang parangal na ang mapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ang kanilang mga anak. Kaya naman, kahit pa gaano kahirap ang buhay ay iginagapang ng ilan sa kahirapan mapagtapos lamang sa pag-aaral ang kanilang anak.




Lagi nga namang iniisip ng mga magulang ang lahat ng makabubuti para sa kanilang mga anak, ang mabigyan ito ng maayos na tahanan, mahainan ng masasarap at masustansiyang pagkain at ang mabigyan ng edukasyon na talaga namang isa sa pinakamahalagang maipapamana nila sa mga ito.

Image Credit via Google

Tulad na lamang isa sa pinakasikat na tv host, actor, singer at endorser na si Vic Sotto o mas kilala ng publiko bilang si Bossing sa Eat Bulaga ng GMA-7. Siya ay may limang anak, at ito ay sina Danica, Paulina, Talitha, Oyo Boy at Vico.

Image Credit via Google

Sa ngayon ay kasal si Vic Sotto kay Pauleen Luna, isa rin sa mga tv host-actress ng GMA-7, ngunit sa kanyang kabataan noon ay nagkaroon ng relasyon si Vic sa iba’t ibang mga aktres tulad nina Cony Reyes (ina ni Vico), Dina Bonnevie (ina nina Danica at Oyo) at sa model na si Angelina Luz na ina naman ng anak niyang si Paulina.

Image Credit via Google

Isang proud daddy nga ngayon si Vic Sotto sa kanyang anak na si Paulina Luz, dahil sa pagiging isang matalino at mabuting anak nito.

Image Credit via Google

Hindi man tulad ng iba niyang kapatid na nasa showbiz, pinatunayan naman ni Paulina na may ikaka-proud sa kanya ang kanyang ama at ito nga ay sa pamamagitan ng pag-excel niya sa klase kaya naman nagtapos siya bilang Cum Laude sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo.

Image Credit via Google

Nagtapos si Paulina ng kanyang kursong Bachelor of Arts Major in Communications sa Unibersidad ng Ateneo de Manila. Isang National Artists for Visual Arts ang lolo Arturo Luz ni Paulia, kaya naman na-inspired siya nito at kinuha ang parehong kurso na pinag-aralan ang mga ito.

Image Credit via Google

Sa kanyang matagumpay na pagtatapos sa kanyang pag-aaral, ay hindi nga naman kinalimutan ni Paulina ang pasalamatan ang kanyang mga magulang. Matatandaan na noong taong 2015, ay nagpost ng isang mensahe ng pasasalamat si Paulina sa kanyang Instagram na para sa kanyang amang si Vic Sotto.

Image Credit via Google

“To my dad, thank you for all the generosity and support. I am able to get the best education, because of your hard work and I wouldn’t be in this position if it wasn’t for your dedication for your kids.




Thank you for believing in me and supporting me in everything I do”
Hindi nga lamang sa anak niyang si Paulina proud si Bossing Vic, dahil sa lahat ng mga achievement at narating sa buhay ng kanyang mga anak ay proud siya bilang ama ng mga ito.

Bilang gantimpala nga ng ama kay Paulina dahil sa pagiging isa nitong Cum Laude, ay nakatanggap nga ito ng isang mamahaling brand new Audi – Q30 car.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *