Kilalanin Ang Maganda At Matalinong Anak Ni Jestoni Alarcon Na Grumaduate Bilang Cumlaude Sa UP

Si Jestoni Alarcon ay isa sa mga gwapo at iniidolong artista sa showbiz taong 90’s, hindi rin mabilang ang mga proyekto na nagawa niya sa telebisyon at kasalukuyan pa rin siyang aktor sa GMA Kapuso Network.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram




At kamakailan nga lang, ay ipinakilala ang kanyang napakagandang anak na si Angela Alarcon bilang isa sa mga pinakabagong talento ng GMA Artist Agency at marami nga ang namangha sa ganda ng anak ni Jestoni.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Ayon kay Angela, matagal na sana niyang gusto pumasok sa industriya ng showbiz ngunit bago niya gawin ito ay ipinangako muna niya sa kanyang ama na magtatapos siya ng kanyang pag aaral, at hindi niya naman ito binigo. Dahil na rin sa sipag at determinasyon ay nakapagtapos si Angela sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong BA Speech Communication.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Siya ay isa sa hinirang na Cum Laude sa kanilang paaralan sa kanyang pagtatapos, lingid din sa kaalaman ng lahat na siya ay isang taekwondo black belter. At ngayon ngang siya ay tapos na sa kanyang pag-aaral, ay naisipan na niyang ituloy ang kanyang matagal nang pangarap at ito ay ang maging isang aktres katulad ng kanyang ama.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Hindi naman siya hinahadlangan ng kanyang ama, dahil na rin natupad niya ang pangarap nito para sa kanya.

Photo Credit: angelaalarcon/Instagram

Hindi naman naiwasan ni Jestoni ng tanungin siya kung ano ang magiging payo niya sa kanyang anak sa pagpasok nito sa mundo ng showbiz. At eto naman ang kanyang naging sagot sa kung ano ang kanyang payo para sa anak.

“Always focus on your goal like aasahan naman in the future na you can’t please everybody, so always focus on your goal no matter kung ano man ang sabihin sa iyo, kung ano man ‘ang negative or pessimistic comment na ibato sayo kailangan tanggap lang.”




At ngayon nga na ganap na siyang aktres ng Kapuso Network, laging isinapuso ni Angela ang payo ng payo ng kanyang ama. At handa siyang patunayan ang kanyang sarili na maging isa sa mahuhusay na aktres. Ano ang masasabi niyo sa anak ni Jestoni Alarcon? beauty and brain hindi ba?. may alam pa sa martial arts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *