Kilalanin Ang Magandang Bunsong Anak Ni ‘Mr. Pure Energy’ Gary Valenciano

Tinguriang Mr. Pure Energy si Gary Valenciano sa industriya ng showbiz, ang kanyang taglay na husay at galing bilang isang mananayaw at mang-aawit ay talaga namang hinahangaan ng marami, kaya naman hindi kataka-taka na ang mga anak niya ay namana rin ang mga talento niyang ito.




Ang bunsong anak ni Gary na si Kiana Valenciano, ay isa sa mga anak niya na kakikitaan ng talento na namana sa kanyang mga ama, ito nga ay ang pagkahilig niya sa musika at pagkakaroon niya ng kahanga-hangang ganda ng tinig.

Image Credit via Google

Minsan ng nakapagtanghal sa ibang bansa si Kianna, at dahil namana niya sa kanyang ama ang pagkahilig sa musika, ay ilang mga awitin na rin ang kanyang nalikha.m Hindi nga lamang sa musika hahangaan ang bunsong anak ni Mr. Pure Energy, dahil ang dalaga ay mahusay rin pagdating sa pagdadala ng kanyang pananamit. Hindi naman kataka-taka ang galing niya sa pagpa-fashion, sapagkat siya ay nagkatapos ng isang kurso ng fashion sa ibang bansa.

Image Credit via Google

Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa si Kiana Valenciano, kung saan nga siya nagtatrabaho. Ngunit matatandaan na ng nilisan ng bunsong anak ni Gary ang Pilipinas, para magtungo sa Amerika para magtrabaho, at talaga namang bilang mga magulang, si Gary at ang kanyang asawa ay hindi napigilan ang maging emosyonal, dahil unang beses ito na mapapalayo sa kanila ang unica hija nila.

Image Credit via Google

Ibinahagi pa nga noon ni Gary V. ang larawan nilang magpamilya habang nasa airport ng maghatid sila kay Kiana, at kalakip ng larawan ay ang kanyang mensahe para sa anak, na malalayo nga sa kanila. Nakalahad sa mensahe ni Gary V. na agad niyang mamimiss ang bunsong anak, lalo na’t wala pang kasiguraduhan kung kailan nila ulit ito makikita at makakasama, lalo na nga ngayon na patuloy pa rin ang krisis sa ating bansa.

Image Credit via Google

Dagdag pa nga sa mensahe ng mang-aawit sa kanyang anak ay ang labis na pagmamahal niya rito, at kung gaano siya kasaya at ka-proud sa lahat ng mga napagtatagumpayan at naabot nito sa buhay. Maliban kay Gary V. ang kanya pang dalawang anak na lalaki, na mga nakatatandang kapatid nga ni Kiana na sina Gab at Paolo, ay nagbahagi rin ng kanilang mensahe para sa bunso at nag-iisang babae nilang kapatid.




“Dearest baby sister, may all your wildest dream come true. No matter what happens, always remember your why and you will achieve wonders”, ang naging saad ng kanyang kuya Gab. Dagdag pa ni Gab, mamimiss niya ang kapatid at proud siya para rito.
Narito naman ang mensahe ni Paolo para sa bunsong kapatid, “Ninang Nana goes back to the states tonight. Gonna Miss you, Love you”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *