Kilalanin Ang Magandang Dalaga Na Kahawig Ni Kapuso Aktres Marian Rivera

Sa kabila ng milyon-milyon ang tao sa mundo, ay mga pagkakataon nga na nagkakaroon tayo ng pagkakahawig sa isang tao na hindi naman natin kaano-ano. At ito nga ay talaga namang nakamamangha, lalo na nga kung talagang saang anggulo man tingnan ay ka-look alike natin ang taong ating kamukha.




Halimbawa na nga lamang nito ay ang iniidolo at hinahangaan nating Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, sinong mag-aakala na ang napakagandang mukha niya ay may magiging ka-look-alike, at ito nga ay ang isang French-Taiwanese na dalaga.

Photo Credit: leadumortier/Instagram

Nito lamang nakaraan ay nag-viral sa social media ang 18-taong gulang na dalaga na si Lea Dumortier, ito nga ay dahil marami ang nakapansin ng kanyang malaking pagkakahawig sa napakagandang Kapuso award-winning actress na si Marian Rivera.

Photo Credit: leadumortier/Instagram

Ayon sa mga ulat, si Lea ay isa lamang sa mga dalaga na nahumaling sa pag-gawa ng TikTok videos, at dito na nga nagsimula na marami ang makapansin ng kanyang pagkakahawig sa Kapuso actress. Ilan sa mga netizens ay nagsasabi na tila na magkapatid sina Marian at Lea dahil sa pagkakalaki ng hawig ng mga ito, lalo na sa hugis at litanya ng kanilang hitsura.

Photo Credit: leadumortier/Instagram

Ilan nga sa mga netizens ay kinukumbinsi si Lea Dumortier na pumasyal dito sa Pilipinas, at subukan ang kanyang kapalaran dito na maging isang artista.

Photo Credit: leadumortier/Instagram

Ngunit dahil nga sa patuloy na paglaganap ng krisis sa ating bansa, ay tila malabo pang makabisita si Lea sa Pilipinas. Sakali namang matuloy si Lea sa magiging pagbisita niya sa ating bansa, ay may mga bagay siyang kinakailangan pag-aralan, una na nga rito ay ang pag-aaral ng pagsasalita ng tagalog upang siya naman ay hindi mahirapan na makipag-komunikasyon.

Si Lea ay nakatira sa bansang Amerika, at sa edad niyang 18 ay nag-aaral pa siya ng kolehiyo. Napag-alaman na sa Berkeley pumapasok ng kolehiyo si Lea.

Samantala, maliban kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay may iba ring mga netizens ang nagsasabi na kahawig din ng dalaga ang ilan pa sa mga magagandang aktres sa Philippine showbiz industry, kagaya na nga lamang nina Kristine Hermosa at Carla Abella.




At dahil naman sa marami ang nagsasabi kay Lea ng pagkakahawig nga niya umano kay Marian Rivera, ay isang video ang kanyang ginawa, at pabiro nga niyang nilgyan ng caption na; “Maybe I’m secretly her daughter”, aniya na mas lalo ngang kinaaliwan sa kanya ng mga netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *