Kilalanin Ang Mala Artista Ang Ganda Na Kapatid Ng Gwapong Aktor Na Si Joshua Garcia

Si Joshua Garcia, ay isang actor na masasabi nating matagumpay ang karera sa industriya ng showbiz. Siya ay unang nakilala sa telebisyon, ng maging isa siya sa mga housemates sa Pinoy Big Brother House (PBB).




Hindi man pinalad na maging big winner sa PBB reality tv show, ay naging daan naman ito upang maging matagumpay ang karera ng binata sa pagiging isang artista. Kabi-kabilang mga proyekto, at marami pang pinto ng oportunidad ang nagbukas sa kanya.

Image Credit via Google

Isa nga si Joshua Garcia sa masasabi nating binatang aktor ngayon na may matagumpay na karera sa industriya ng showbiz. Mas higit pa nga siyang hinangaan at sinuportahan ng mga manonood ng maging katambal niya ang aktres na si Julia Barretto, kung saan ang tambalan nila ay minahal ng maraming mga manonood dahil sa kilig na hatid nila sa bawat proyektong kanilang pinagsamahan.

Image Credit via Google

Lubos naman ang kasiyahan ng pamilya ng binata, sa lahat ng tagumpay na narating nito ngayon sa kanyang buhay. At isa nga sa talagang masaya sa lahat ng tagumpay na ito ni Joshua sa kanyang karera sa showbiz industry, ay ang kanyang napaka-supportive na ate.

Image Credit via Google

Si Lorenza Mae, ay ang nakatatandang kapatid ni Joshua Garcia, na lagi siyang sinusuportahan sa lahat ng kanyang mga pangarap. Isa din siya sa mga kapatid ni Joshua na talagang malapit sa binata.

Image Credit via Google

Madalas nga na nakikita si Lorenza Mae na tumutulong sa kanyang kapatid na si Joshua, lalo na sa backstage. At bilang isang mapagmahal at supportive na ate, ay lagi rin siyang sumasama sa mga tapings at shootings ng proyekto nito. Isa din siya sa mga avid fan, at miyembro ng fan base ng kapatid na si Joshua.

Image Credit via Google

Maging sa lovelife nga ni Joshua, ay supportive din si Lorenza Mae. Ayon nga sa isang artikulo, ay masaya umano si Lorenza para sa lovelife ng kapatid at nagkaroon na din umano ito ng pagkakataon na makita at makasama ng personal ang napapalitan karelasyon ng kapatid, na si Julia Barretto.




Maliban nga sa pagiging isang mapagmahal at supportive na ate, ay isa ring mabuting ina si Lorenza Mae sa kanyang anak na si Skyler. Nagtatrabaho rin siya bilang isang tech dermatologist sa isang skin care cosmetic clinic.

Marami naman ang nagsasabi na, nababagay na maging artista rin si Lorenza Mae, tulad ng kanyang kapatid na si Joshua dahil sa pagkakaroon nito ng charming personality at natatanging ganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *