Kilalanin Ang Mala Artista At Napakagwapong Kapatid Ng Sikat Na Host Na Si Pauleen Luna

Hindi nga lamang si Pauleen Luna ang may artistahin looks sa kanilang pamilya, dahil maging ang kanyang kapatid na lalaki na kinilalang si Miguel Luna o Miki ay artistahin rin ang taglay na kagwapuhan.




Base sa mga ulat tungkol kay Miki, tulad ng kanyang kapatid na si Pauleen ay mahilig rin ito na pumunta sa gym at magwork out. Malapit rin umano ito sa asawa ni Pauleen, na si Bossing Vic Sotto at sa anak ng mga ito na si Talitha. Sa katunayan pa nga, ay madalas na nakakasama ng pamilya ni Pauleen ang kanyang kaptid na si Miki at kanilang mga magulang kapag sila’y kumakain sa labas.

Image Credit via Google

Marahil ay marami sa atin ang hindi nakakaalam na pinasok na rin ni Miki ang showbiz, matapos niyang iwan ang kanyang dating trabaho na isang real-time analyst.
Ilan na nga sa mga GMA show ang kanyang kinabilangan, katulad na lamang ng Enteng Kabisote 10 at The Abangers.

Image Credit via Google

Hindi nga maitatanggi na very close ang magkapatid na Miki at Pauleen sa isa’t isa, dahil noong ikinasal si Pauleen kay Bossing Vic, ay isang mensahe ang handog ni Miki sa kanya.

Image Credit via Google

“My dearest sister. You’re a gift to the heart, a friend to the spirit, and a golden thread to the meaning of my life. Although our paths may have changed as life went along, the bond between us shall remain forever strong. I’m tremendously gonna miss you, Ate. I wish you nothing but happiness. Although I hardly ever say it, but I love you. And I always will.”

Image Credit via Google

Samantala, tulad ni Pauleen, ay taken na at may asawa na rin si Miki, dahil noon lamang buwan ng Nobyembre taong 2019 ay ikinasal na ito.

Image Credit via Google

Halos dalawang taon nga ang lumipas, ng ikinasal si Pauleen kay Vic Sotto, bago naman nagpakasal ang kanyang kapatid na si Miki sa asawa na nito ngayon na si Christia. At tulad ni Miki, ay isang mensahe rin ang naging handog ni Pauleen para sa kapatid at sa asawa nitong si Christia.

Image Credit via Google

“5 days ago, my brother married the love of his life. Seeing him this happy made me burst into tears. I’m grateful to have you my brother, the best anyone could ask for. I only wish the best for you and Christia (and for your future kids!) Christia, please take care of my little brother, he is very special to us. Again, congratulations to you both! Much love”

Image Credit via Google

Ayon nga kay Christia, bago niya naging asawa si Miki ay talagang crush na crush niya na ito. At para naman kay Mikki, ay naka-jackpot siya kay Christia. Noon ngang ika-3 ng Nobyembre 2020 ay ipinagdiwang ng mag-asawang Miki at Cristia ang unang anibersayo ng kanilang kasal at pagiging mag-asawa.




Ang mag-asawng Miki at Christia ay madalas nagta-travel abroad, at ilang mga bansa na nga ang kanilang napuntahan tulad na lamang ng Japan, Hongkong at Thailand.
Maliban sa pagiging asawa, ay abala rin si Miki bilang isang negosyante ngayon sa kanyang business na Mini Donuts na matatagpuan sa Ever Gotesco, Commonwealth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *