Kilalanin Ang Mala Italyanang Ganda Na Anak Ng Aksyon Star Na Si Philip Salvador

Si Philip Salvador o kilala ng marami bilang si ‘Ipe’ ay isa sa mga popular na aktor, lalo na noong panahon ng 80’s hanggang 90’s.



Katulad nga ng ibang magagaling na aktor noon, ay isa rin Ipe sa mga hinahangaang aktor dahil sa kanyang galing sa mga action movie stunts na kanyang ginagawa at syempre ay magaling rin siya pagdating sa paghawak ng baril.
Image Credit via YouTube
Hanggang ngayon ay isa pa ring aktibong aktor sa industriya ng showbiz si Philip Salvador, kaya naman hindi kataka-taka na ilang beses siyang naparangalan sa FAMAS award-winning Filipino film.
Image Credit via YouTube
Maliban naman sa pagiging aktor ay isa ring ama si Philip Salvador sa kanyang mga anak. At isa nga sa kanyang mga anak ay ang isang dalaga na usap-usapan ngayon sa social media dahil sa kanyang mala-Italian beauty.
Image Credit via YouTube
Marami nga ang hindi nakababatid sa atin na ang aktor pala ay may napakagandang anak, at ito ay si Denise Ysabel Salvador. Si Denise ay anak ng aktor sa dati nitong kinakasama na si Vivialyn Dungca.
Image Credit via YouTube
Usap-usapan nga ngayon sa online world si Denise, ito ay dahil sa marami ang nakapapansin ng pagka-italian beauty niya. Maliban pa nga rito ay hindi rin maitatanggi ang pagkakaroon ng magandang hubog ng katawan ng dalaga, at ang pagkakaroon niya ng action looks tulad ng sa kanyang ama.
Image Credit via YouTube
Nagtapos si Denise ng Bachelor of Science in Tourism Management sa Holy Angel Universities sa Pampanga. At isa nga ito sa pinakamasayang araw para sa dalaga, dahil parehong umattend ng kanyang graduation ang kanyang mga magulang na proud na proud sa kanyang naging pagtatapos.
Image Credit via YouTube
Makikita nga sa mga larawan ni Denise sa kanyang social media account kung gaano kaganda ang dalaga , at kung gaano kalaki ang pagkakahawig niya sa kanyang ama.



Marami naman ang nagsasabi na halimbawang maisipan nitong pumasok sa industriya ng showbiz at sundan ang yapak ng ama nito, ay posible rin itong magkaroon ng matagumpay na career at maging leading lady ng mga sikat at gwapong aktor sa industriya.
Image Credit via YouTube
Maliban nga kay Denise, ay may anak rin si Philip Salvador kay Multi-Media Queen Kris Aquino at ito ay ang panganay na anak nitong si ‘Josh’. May anak rin siya kay Emma Ledesma na siyang partner ngayon ng aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *