Kilalanin Ang Maswerteng Magiging Leading Man Ng Bagong Darna Star Na Si Jane De Leon

Ang Pinay Superhero na si Darna ay matagal ng inaabangang lumipad muli sa telebisyon ng mga manonood. Noong nakaraang taon ay usap-usapan na muling mapapanood sa ating mga telebisyon ang paglipad ng Pinay Superhero na si Darna, ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi natuloy ang proyektong ito.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram




Ang aktres na si Liza Soberano ang dapat ay gaganap sa panibagong Darna, ngunit dahil sa nagkaroon ng injuries and health problem ay hindi na nga nag patuloy pa sa pagshoot ang aktres ng dapat ay Darna noon pang isang taon.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Muli ng ang nag hahanap ng panibagong aktres na gumanap bilang Si Darna ng Pinoy Superhero at ang aktres na si Jane De Leon ang napili na gumanap nito.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Ngayon nga ay nagsisimula na ang pagsuot ng proyektong Darna, at marami sa mga netizens at manonood ang nais malaman kung sino sa mga nag-gagwapuhanh aktor sa industriya ang magiging katambal ni Jane De Leon sa pelikulang ito.

Image Credit via Google

At ngayon nga, para sa mga nag-aabang at nag-aantay na malaman kung sino ang magiging leading man ay pinangalanan na ng management ng pelikula kung sino ang gwapong aktor na napili nila upang makapareha ng bagong Darna sa proyekto.

Image Credit via Google

Ang gwapo, matipuno at magaling na aktor na si Paolo Avelino ang magiging leading man ni Jane De Leon sa nalalapit na paglipad ng bagong Darna sa ating mga telebisyon, ito ay ayon sa isang article na Pang-Masa.

Sa isang Instagram post naman ng manager ni Paolo na si Leo Dominguez ay ibinahagi nito na maging parte ng ang aktor ng proyektong Darna sa pamamagitan ng hashtag na nilagay niya sa kanyang post #PaoloAvelino joins #Darna.

Matatandaan na nagtatrabaho na rin ng aktor ang direktor na si Jerrold Tarog sa mga pelikulang Goyo at Heneral Luna. Ang huling naging serye sa telebisyon na lumabas ang aktor ay ang “The General’s Daughter” na pinagbibidahan naman ni Angel Locsin na nauna ang gumanap na Darna noon.

Katatapos lamang din ng proyektong ginawa ng aktor na “If We Do Not Make It” sa ilalim ng T-Rex Entertainment katambal ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.




Ano ang masasabi niyo sa bagong tambalang Jane De Leon at Paulo Avelino? Abangan na lamang natin ang muling paglipad ni Darna at kung ano ang kahahantungan ng buhay pag-ibig ng Pinay Superhero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *