Kilalanin Ang Mga Aktres Na Matapos Magpakasal Ay Iniwan Ang Kanilang Career Sa Showbiz

Sa pagiging isang celebrity ay batid natin na halos 24/7 ang oras na ginugugol nila sa kanilang trabaho, kaya naman masasabi natin na mahirap para sa kanila ang magkaroon ng oras sa kanilang pamilya.



Kaya naman ilan sa mga kilala nating mga artista ang matapos magpakasal, ay tuluyan ng iniwan ang career sa showbiz, ito ay upang mas mabigyan ng oras at panahon ang kanilang pamilya, lalong lalo na ang kanilang mga anak.
At narito nga ang ilan sa mga kilala nating artista na nagawang iwanan ang kanilang career sa showbiz industry, para sa kanilang pamilya.
1. Neri Naig
Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram
Matatandaan na si Neri Naig ay isa sa mga alumna ng famous star hunt noon na Star Circle Quest. Sa kanya ng ang pagsisimula sa showbiz ay naging maganda ang takbo ng career ni Neri Naig.
Ng lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar. Sa ngayon ay simple at masayang namumuhay ang mag-asawa , at naninirahan sila sa probinsya ng Cavite.
2. Kristine Hermosa
Photo Credit: khsotto/Instagram
Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa walang kupas ang gandang si Kristine Hermosa? Isa siya sa pinaka-in-demand na leading lady noon dahil na rin sa taglay niyang ganda at galing sa pag-arte.
Photo Credit: khsotto/Instagram
isa nga si Kristine sa mga tumatak sa puso ng ating mga kababayan, na talagang hinangaan ng marami ang kanyang angking ganda at talent bilang isang magaling na aktres.
Ikinasal si Kristine sa aktor na si Oyo Boy Sotto, ay sila nga ngayon ay nabiyayaan na rin ng apat na anak. sa ngayon nga ay bihira ng lumabas sa telebisyon ang dating aktres.
4. Rica Peralejo
Photo Credit: ricaperalejo/Instagram
Isa sa mga hinahangaang teen actress noong 2000’s ang aktres na si Rica Peralejo. Tuluyan nang iniwan ang kanyang magandang career sa showbiz, ng magdesisyon siya na maging isang fulltime mom sa kanyang mga anak, na ayon sa kanya ay hindi niya pinagsisihan.
Photo Credit: ricaperalejo/Instagram
5. Isabel Oli
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram
Matapos ikasal ni Isabel Oli sa kanyang asawa ngayon na si John Prats, ay tuluyan na nga nitong binitawan ang kanyang career sa showbiz. Ngayon ay masaya si Isabel sa pag-aalaga sa kanilang mga anak ni John. Kahit wala na nga sa showbiz ay patuloy pa rin naman nating siyang nasisilayan sa kanilang Youtube vlog.
Photo Credit: isabeloliprats/Instagram



Masasani nga naman natin na sa buhay pag-aartista ay talagang may mga bagay na kailangan isakripisyo, lalo na kung ikaw ay isa ng pamilyadong tao.
At tunay ngang kahanga-hanga ang mga aktres na ito, dahil sa kabila ng magandang career na kanilang tinalikuran para sa kanilang pamilya, ay hindi naman nila pinagsisihan ang naging desisyon nila at masaya sila sa buhay na pinili nila ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *