Kilalanin Ang Mga Artista Na May Angking Yaman Na Bago Pa Man Sila Naging Sikat Na Arista

Marami tayong mga kilalang artista na bago pa man nakapag pundar ng mga ari-arian o kayamanan ay dumaan muna sa mga hirap at hamon ng buhay. Ngunit talagang may ilang tao at sikat na artista na pinagpala.




Sapagkat bago pa man sila naging mga sikat at kilala sa industriya ng showbiz ay namumuhay na sila ng marangya dahil mula sila sa mga mayayaman at kilalang may kayang pamilya.

Narito ang ilan sa mga kilala nating artista na bago pa man naging sikat, ay may mga angking yaman na.

SUNSHINE DIZON

Photo Credit: m_sunshinedizonInstagram

Mula sa may-kayang pamilya si Sunshine, sapagkat ang kanyang ama ay isang manager ng Casino sa Amerika at ang kanyang ina naman ay isang Producer ng mga pelikula.

HEART EVANGELISTA

Photo Credit:iamhearte/Instagram

Sa mayamang angkan naman ng pamilya Ongpauco nagmula si Heart Evangelista, ang kanilang pamilya din ang nagmamay-ari ng isa sa mga kilalang restaurants dito sa Pilipinas at ito ay ang Barrio Fiesta.

SOLENN HEUSSAFF

Photo Credit: solenn/Instagram

Nagmamay-ari naman ng malaking petroleum business sa bansang France ang ama ni Solenn Heusaff.

PAUL JAKE CASTILLO

Photo Credit: pauljake_castillo/Instagram

Pamilya naman nina Paul Jake ang nagmamay-ari ng International Pharmaceuticals Inc.

DENISE LAUREL

Photo Credit: d_laurel/Instagram

Si Denise ay mula sa isang malaking political clan, siya rin ay apo sa tuhod ng namayapang si Jose P. Laurel na kilala bilang isa sa mga naging presidente ng Pilipinas.

CHRIS TIU

Photo Credit: chris_tiu17/Instagram

Ang celebrity-athlete na si Chris Tiu ay mula naman sa pamilyang Filipino-Chinese na kilala na maraming mga negosyo.

LUCY-TORRES GOMEZ

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Si Lucy Torres-Gomez ay nagmula sa Ormoc City, kung saan ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang sugarcane plantation.

MAINE MENDOZA

Photo Credit: mainedcm/Instagram

Ang pamilya naman ni Maine ay may negosyong gasoline station at fast food chain.




ALBIE CASINO

Photo Credit: thestallion09 /Instagram

Pamilya namang ng mga negosyante ang kinalakihan ni Albie.

MIKEE COJUANGCO

Photo Credit: mikeecojuangcofp/Instagram

Si Mikee ay anak ni Don Peping Cojuangco, at tiyahin niya ang pumanaw na dating presidente Cory Aquino dahip ito ay kapatid ng kanyang ama.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *