Kilalanin Ang Mga Artista Na Naranasan Muna Maging Guro Bago Pumasok Sa Showbiz

Hindi nga naman natin maiisip ang pwedeng kahantungan ng karera ng isang tao, maaring ngayon ang iyong kilala na isang guro na busy sa pagtuturo ay bigla na lamang maging artista sa hinaharap. At kung alam mo lamang siguro ito ay isa ka na sa mga magpapa-autograph at magpapicture dito.




Alam niyo ba na marami sa mga sikat at kilalang nating artista sa showbiz ngayon ang nagsimula muna sa ibang karera sa kanilang buhay bago pumasok at nagsimula ang karera sa showbiz.

At ang iba sa kanila ay naging guro muna sa mga paaralan o kaya naman ay nagtapos ng kurso sa pagtuturo. Halina’t kilalanin natin ang ilang mga artista na naranasan ang maging isang guro.

Ruby Rodriguez

Photo Credit:rodriguezruby/Instagram

Kilala si Ruby Rodriguez ngayon bilang isa sa mga mainstay host ng noon time variety show na Eat Bulaga ng kapuso Network, ngunit alam niyo ba na dati pala siyang pre-school teacher.

Bago nagkaroon ng programa sa Kapamliya Network ay nauna munang naging guro, ang host, actress at comedian na si Ruby Rodriguez.

Nang ang kanyang karera sa industriya ng showbiz ay naging maayos at dumami na ang kanyang mga proyekto ay napili ni Ruby na magfocus na siya sa pag-arte. Naging bahagi siya noon ng sitcom na Okay ka Fairy ko, bilang si Amy, kung saan ay kasama niya rito si Vic Sotto na pioneer host ng Eat Bulaga ang pinakamatagal na noontime show ngayon.

Isabelle Daza

Photo Credit:isabelledaza/Instagram

Ang artista, host at modelong si Isabelle Daza naman ay nagtapos ng kursong Early Child Education sa De La Salle University o DLSU. Kagaya ni Ruby Rodriguez ay nagtatrabaho din siya bilang isang Preschool teacher bago pumasok sa showbiz.

Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz ng siya ay pumirma ng kontrata sa GMA Network. Ngayon, ay may anak na si Isabelle at muli niyang magagamit ang kanyang pinag-aralan at dating propesyon sa pagtuturo at pagpapalaki ng maayos sa kanyang anak.

Camille Prats

Photo Credit:camilleprats/Instagram

Nakilala si Camille Prats bilang isa sa mga pinakasikat na child star noon, at isa sa kanyang pinakasikat na proyektong nagawa ay ang adaptation movie ng Sarah ANg Munting Prinsesa. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Amerika, kung saan ay kumuha siya roon ng Montessori Course, isang kurso rin ng pagtuturo sa mga bata.

Ngayon, ay abala si Camille sa pamahalaan bilang Directress sa Divine Angels Montessori of Cainta, ang paaralan na pinamumunuan ng kanilang pamilya.

Patricia Tumulak

Photo Credit:patty_push/Instagram

Bachelor of Science in Child Development and Education Minor in Special Education sa Miriam College naman ang kinuhang kurso ng beauty queen, aktres at host na si Patricia Tumulak. Sa isang pampublikong paaralan ay nagboluntaryo din siyang magturo sa mga kabataan.




Ilang programa rin sa pagtuturo ang kanyang itinayo sa iba’t ibang lugar, at kahit pa nga hanggang ngayon ay nasa larangan pa rin siya ng showbiz ay patuloy pa rin siya sa kanyang pag-abot sa kanyang teaching goals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *