Kilalanin Ang Mga Artistang Hindi Nagkatuluyan Pero Nauwi Naman Sa Pagiging Matalik Na Magkaibigan

Sila Pala Ang Mga Celebrity na Hindi Man Nauwi sa Relasyon ang Pagiging Malapit sa Isa’t Isa, Ay Naging Matalik Na Magkaibigan Naman Sa showbiz industry ay marami na tayong kilalang mga celebrity couple na nag-umpisa ang love story dahil sa pagiging magkatambal sa mga proyektong kanilang ginawa.



Ngunit may ilan rin sa mga on-screen partner na ating napapanood sa telebisyon na sa kabila ng pagkakalat sa isa’t isa ay mas pinili na maging magkaibigan na lamang upang maiwasan ang pagkasira ng iniingatan na pagkakaibigan.
Narito nga ang ilan sa mga naging onscreen partner na sa kabila ng pagiging malapit ay mas pinili ba maging mag-bestfriend na lamang.
Enchong Dee at Erich Gonzales Unang nagsama ang dalawa sa pagiging magkatambal nila sa isang serye noon na kanilang ginawa at doon na nga rin nagsimula ang kanyang pagiging malapit sa isa’t isa.
Image Credit via Google
Dahil sa pagiging malapit nila, at talaga namang compatible ang love team nila ay marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang umasa na mapupunta sa magandang pagtitinginan at relasyon ang dalawa, ngunit ayon nga kay Enchong at Erich ay batid nila na more than friends like bestfriends at siblings lamang ang turingan nilang dalawa sa isa’t isa.
Sa Instagram account ng aktor ay makikita na ibinahagi nito na ang aktres na si Erich Gonzales ay ang kanyang “one call away friend.”
Kristoffer Martin at Bea Binene Nilinaw ng aktres na si Bea Binene sa ilang panayam sa kanila na walang anumang namamagitan sa kanila af nakikita niya ang aktor bilang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan.
Image Credit via Google
Luis Manzano at Anne Curtis Dahil sa pagiging malapit nila sa is’t isa ay sinubukan nina Anne Curtis at Vhong Navarro na mag-date, ngunit kalaunan ay na-realize nilang dalawa na mas mabuting maging mag bestfriend lamang sila. Hanggang ngayon nga ay makikita kung gaano kaganda ang pagkakaibigan na mayroon ang dalawa.
Image Credit via Google



Rayver Cruz at Maja Salvador Ayon sa aktor, upang mapansin ng aktres na si Maja Salvador ang nararamdaman niya para rito ay sinubukan niya umano ang sinasabi nila na “ninja moves”, ngunit agad itong tinanggihan ng aktres dahil sa ayaw umano nito na magkaroon ng anumang relasyon sa kanyang mga barkada upang maiwasan ang pagkasira ng iniingatan nilang pagkakaibigan.
Image Credit via Google
Aga Muhlach at Lea Salonga Isa sa mga loveteam na nagpapakilig noong dekada 90 ang tambalan ng dalawa. Nagtrending silang muli ng lumabas sa publiko ang isang old love letter ng aktor para kay Lea, kung saan ay inamin nito na ang naturang aktres ang kanyang TOTGA o The One That Got Away. Inamin din ng gwapong aktor, na mananatiling may special spot sa kanyang puso ang dating ka-love team.
Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *