Kilalanin Ang Mga Artistang Nagsimula Sa Commercial Bago Pa Man Maging Sikat

Batid niyo ba na marami sa mga hinahangaan na mga artista ngayon sa showbiz, ay nagsimula muna sa pagko-commercial bago pa man sumikat at maging popular na mga artista. At ilan nga sa kanila ay talaga namang iniidolo na natin ngayon. Kilalanin natin ang mga artistang, commercial endorser noon, sikat na artista na ngayon;
1. Nadine Lustre
Image Credit via Google
Bata pa lamang si Nadine Lustre, ay kinakitaan na agad ito ng talento sa pag-arte, kaya naman maraming mga commercials at print advertisement ang nagawa niya, at ito nga ang naging daan niya upang makatulong sa kanyang pamilya.
Ngayon, ay isa sa pinaka-popular at iniidolong aktres si Nadine Lustres sa showbiz industry sa Pilipinas.
2. Coleen Garcia
Image Credit via Google
Taong 2010, ng makilala sa isang commercial ng iced tea si Coleen, kung saan ay nakilala siya sa nasabing commercial bilang si Martina.
3. Gabby Concepcion
Image Credit via Google
Dahil sa pagkakaroon ng killer smile at gwapong mukha, ay naging ‘close-up boy’ noong 80’s si Gabby, at dito na rin siya nadiskubre at nagsimulang sumikat.
4. Toni Gonzaga
Image Credit via Google
Sa isang softdrinks commercial naman natin napanood si Toni Gonzaga noon, kung saan ay ng makaharap niya si Piolo ay sumigaw siya ng ”I love you Piolo.”
5. Dingdong Dantes
Image Credit via Google
Dalawang taon pa lamang si Dingdong ay child model na siya ng isang diary products, kaya naman masasabi natin na siya ay lumaki sa lime light. Marami pa ang mga commercial kanyang nagawa, hanggang sa makapasok na nga siya sa showbiz bilang artista.
6. Marian Rivera
Image Credit via Google
Si Kapuso Primetime Queen marian Rivera naman ay nagsimula pa maging isang ramp model noong siya ay elementarya pa lamang. Siya ay nadiskubre ni TAPE Inc. executive producer Tony Tuviera, sa isa niyang naging commercials at ito nga ang tumulong at naging daan upang makapasok niya ang showbiz sa GMA Network.
7. Alden Richards
Image Credit via Google
Nagtatrabaho noon bilang commercial model si ALden at dahil nais ng kanyang yumaong ina ay maging isa siyang artista ay tinupad niya ito, ng siya ay nadiskubre sa isang male pageant na ginanap noon sa Laguna.
8. Nikki Gil
Image Credit via Google
Taong 2005 ng maging viral ang softdrinks commercial ni Nikki, kung saan habang namimigay siya ng softdrinks sa mga tao, ay kinain niya ang awiting “Sana.” Apat na taon pa lamang din noon si Nikki ay kumakanta at nagvo-voice cover na ito sa mga commercials.
9. Ina Raymundo
Image Credit via Google
Ang hot momma naman ng showbiz na si Ina Raymundo, ay naging commercial model noon ng beer, kung saan ay kabilang siya sa “Sabado Nights” girl.
10. Carla Abellana
Image Credit via Google
Bago pa man siya nakilala bilang “Rosalinda” noong 2009, ay una munang naging commercial model ang ngayon ay GMA actress ng si Carla Abellana. Ang pagkakaroon niya ng tisay na mukha ang naging puhunan niya sa pagiging isang commercial model.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *