Kilalanin Ang Mga Babaeng Dumaan Sa Buhay Ng Beteranong Aktor Na Si Robin Padilla

Ang sikat at kilalang aktor na si Robin Padilla ay binansagang noon bilang “The Bad Boy of Philippine Movies”, ito ay dahil sa hindi lang siya sikat noon bilang isang magaling na aktor kundi naging popular din siya dahil sa pagiging matinik niya pagdating sa mga babae.



Kung titignan nga ang listahan ng mga nakarelasyon ni Robin noon, ay masasabi nga na talagang matinik ito pagdating sa babae at marami ang nahuhumaling sa karisma at taglay nitong kagwapuhan.
Image Credit via Google
Narito naman ang ilan sa mga babaeng napabalitang nakarelasyon, naka-date, na-link at ang iba ay naging asawa nga ng aktor.
Jobelle Salvador
Taong 1989, ng magkakilala sina Jobelle at Robin, at ito ay sa set ng Indie Film na ‘Carnap King’. Dito na nga umano nagsimula ang relasyon ng dalawa, na kung saan ay napabalita rin na nagbunga umano ng isang anak at ito ay si Jeremiah Leroy Salvador.
Inamin naman ni Jobelle taong 2011, na hindi si Robin ang totoong ama ng kanyang anak. ngayon nga ay nakabase sa Amerika ang anak ng aktres, at huling napanood si Jobelle sa telebisyon ng mapabilang siya sa seryeng “The Killer Bride”.
Lea Orosa
Image Credit via Google
“Sa Diyos Lang Ako Susuko” ng Viva Films unang nag tambal sina Leah at Robin, at dito na nga rin sila nag develop. Si Leah ay isang mistisang modelo, at ayon nga sa ilang ulat ay nagkaroon sila ng anak ni Robin, at ito ay isang babae na nagngangalang Camille na ngayon ay naninirahan sa ibang bansa.
Si Leah ay ikinasal na rin sa iba, ngunit matapos ang 20-taon nitong pakikisama sa asawa ay nauwi rin ang lahat sa divorce. Sa ngayon ay naka-base ito sa Amerika, kasama ang anim na nitong mga anak.
Dolly Anne Carvajal
Image Credit via Google
Si Dolly Anne, ang unang naglabas sa publiko na di umanoy naging sila ng aktor na si Robin Padilla na nakakagulat naman ng marami, kung saan ay wala namang anumang pag-amin o pagtanggi ang nagmula sa aktor na tungkol sa issue.
Nang tanungin naman si Dolly , kung ano ang pakiramdam na maging karelasyon si Robin, ay ito ang kanyang naging kasagutan. “Kailangan pa bang itanong yan? Marami namang karelasyon niya ang nagsasabi ng sinabi ko. Tinatrato kang reyna, iyon yon. “
At bilang isang lover nga umano, ay walang kapaguran si Robin.
Kris Aquino
Image Credit via Google
Si Inday Badiday na ina ni Dolly Anne Carvajal ang nagpakilala kay Kris kay Robin Padilla. ayon nga kay Robin ay malaki talaga ang paghanga niya noon pa man kay Kris, kaya naman naging makulay ang kanilang relasyon.
Ayon nga sa aktor ay hindi niya makakalimutan ng ipaglaban ni Kris ang relasyon nila noon, na naging kontrobersyal dahil sa pagtutol umano ng ina nito na si dating Presidente Cory Aquino sa pag-iibigan nilang dalawa.
Ngunit hindi nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Kris at Robin, kung saan ayon kay Robin ay siya ang may kasalanan dahil sa paggamit niya ng bawal na gamot.
Sharon Cuneta
Noong 1991, sa set ng “Maging Sino Ka Man”, ng magka-inlaban sina Robin at Sharon Cuneta. Ayon nga sa ilang balita noon, ay bago pa man magkasama sa pelikula ang dalawa ay talagang crush na ni Robin si Sharon.
Muntik na nga umano na magpakasal sina Robin at Sharon noon, ngunit hindi lang ito natuloy dahil sa nakabuntis ang aktor. At ito nga ay ang panahon ng mabuntis ng aktor si Liezl Sicangco.
Liezl Sicangco
Image Credit via Google
Bago pa man maging isang aktor ay magkaibigan na sina Robin at Liezel at ikinasal sila taong 1996. Matatanda na nakulong si Robin noon, at habang nasa bilangguan nga ito ay nagpaconvert si Liezl sa Islam.
Taong 1998 ng makalaya si Robin, sa pamamagitan ng paragon ni Dating President Fidel B. Ramos. Nagulantang naman ang lahat ng aminin ni Robin noong 2009 na hiwalay at divorce na sila ni Liezl Sicangco noon pa mang 2007.



May apat na anak naman sina Robin at Liezl, at ito ay sina Queenie, Kylie, Jen-jen at Ally. Samantala, sa Australia naman naninirahan ngayon si Liezl.
Vina Morales
Image Credit via Google
Sensational love story kung maituturing ang naging relasyon nina Vina at Robin. Silang dalawa ay nagkakilala ng gawin nila ang pelikulang “Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2, na kung saan ayon sa aktres ay nabaliw siya kay Robin noon.
Noong mga panahon nga na naging nobyo ni Vina si Robin, ay sikat na sikat na ang aktor at popular din ito pagdating sa babae dahil sa halos lahat ng naging leading lady niya ay naiinlove sa kanya. Kaya naman, nagkaroon noon ng problema si Vina sa kanyang pamilya, dahil kay Robin ng magdiwang siya ng kanyang 18th Birthday.
Ayon nga sa aktres, imbis na iba ang maging escort niya sa kanyang kaarawan, ay naging si Robin ang escort niya dahil hindi siya tinantanan nito, kung saan ay walang nagawa ang kanyang mommy at daddy.
Jolina Magdangal
Image Credit via Google
Nang tanungin noon si Jolina Magdangal sa isa niyang interview kung niligawan ba siya noon ni Robin ay ito ang kanyang naging kasagutan;
“Hindi ko alam kung nanliligaw siya, pero ganun ang style niya sa mga nililigawan niya, baka nga nanligaw siya. Sweet siya, nung edad ko nay un, noon lang time na yun na merong naging ganun ka-sweet. Syempre nagkacrush ka sa ganun, crush lang. Pero talagang nanimbang sa akin yun.”
“Yung normal ba to? Tung may ganito pa ka-sweet na tao? Na ultimo mo maliit na papel, siya ang pupulot para sayo… nga ganyang bagay.”
Mariel Rodriguez
Image Credit via Google
Marami nga ang nakababatid sa atin, na si Mariel ang huling babae na minahal ni Robin ng husto. Hindi naging hadlang sa kanilang dalawa ang 17 – taong gap nila sa isa’t isa ng magkakilala sila noon sa set ng “Wowowee”,isang dating noontime show ng ABS-CBN.
Ayon kay Mariel, noong panahong iyon akala nila ay 2 – weeks lang na magiging co-host si Robin.
“Noong time na yun, ang alam naming two weeks lang si Robin (bilang co-host). We really want him to stay kasi nakita naming na perfect siyang host dahil tanggap siya ng tao at genuine siya sa ginagawa niya. So it’s true that every day, I wrote him a letter to stay pero hindi ko sinasabi kong sino ako. Dinidikit ko sa dressing room niya para ma-feel niya kung gaano siya ka-welcome sa amin.”



Kwento pa nga ni Mariel, noon ngang tuwing may mga contestant at nakakasama niya bilang co-host si Robin ay kung ano-ano ang pinagmulan nito, tulad na lang ng “Ang bango mo naman”, so siya naman hindi din napigilan ang kiligin hanggang sa hindi nga nagtagal ay naging magkarelasyon ang dalawa.
Ngayon nga ay mag-asawa na sina Mariel at Robin, at biniyayaan na rin sila ng dalawang anak na babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *