Kilalanin Ang Mga Celebrity Couple Na Malayo Ang Agwat Sa Edad Ng Isa’t isa

Masasabi nga natin na napakahalaga ng pag-ibig, dahil kahit napakalayo ng agwat sa edad ng dalawang nagmamahalan ay ginagawa pa rin nilang patunayan at ipagmalaki kanino man ang kanilang pagmamahalan.



Hindi nga lamang sa mga ordinaryong tao matutunghayan ang sinasabi natin ‘Age Doesn’t Matter When You Fall In Love” dahil maging sa mga kilala nating personalidad ay natunghayan din natin ito.
Narito nga ang ilang mga popular na personalidad na pinatunayan, na hindi hadlang ang age gap sa isa’t isa lao na kung mahal niyo ang isa’t isa;
Billy Crawford at Coleen Garcia
Image Credit via Google  
Si Coleen Garcia nga ang naging usap-usapan noon na dahilan sa paghihiwalay ng magkarelasyon noon na sina Billy Crawford at Nikki Gil. Mas lalo pa nga itong naging usapan ng matapos maghiwalay ng dalawa, ilang buwan lamang ay inamin nina Billy at Coleen na silang dalawa ay magkarelasyon na.
Ngunit kahit pa nga ba naging kontrobersyal ang kanilang pag-iibigan dahil na rin sa sampung taong agwat ng kanilang edad, ay hindi naman ito naging hadlang sa dalawa upang patunayan sa publiko na silang dalawa ay talagang para sa isa’t isa.
Ngayon nga ay kasal na sina Billy at Coleen, at makukumpleto na rin ang kanilang masayang pamilya dahil sa nalalapit na ang pagsilang sa kanyang panganay na anak.
Robin Padilla (1969) at Mariel Rodriguez (1984)
Image Credit via Google
Nasa 15 taon na naman ang agwat sa isa’t isa ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa ng magkakilala sila sa noontime show na “Wowowee.”
Taong 2010 ng mag-proposed si Robin kay Mariel, at usapan pa noon na ang engagement ring na ibingay nito kay Mariel ay nagkakahalaga ng Php1.2 milyon. Sa parehong taon rin ng ikasal ang dalawa.
Ngayon nga ay nasa 10-taon ng masayang pagsasama bilang mag-asawa ang dalawa, at biniyayan na rin sila ng dalawang anak na babae.
Chiz Escudero (1969) at Heart Evangelista (1985)
Image Credit via Google
Sa simula ay naging mahirap para sa dalawa ang ipaglaban ang kanilang relasyon, dahil sa marami ang tumututol dito, lalo na ang mga magulang ni Heart dahil sa laki ng agwat nila sa edad at dahil sa may anak na sa kanyang unang asawa si Chiz.
Ngunit kahit marami ang humadlang ay nagawa pa ring magpakasal ng dalawa, at ngayon nga ay unti-unti na lang maayos ang samahan nila sa mga magulang ni Heart.
Hayden Kho (1980) at Dra. Vicki Belo (1956)
Image Credit via Google
Dahil sa ilang mga issues ay naging kontrobersyal noon ang mag-asawang Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Maliban nga rito ay naging kontrobersyal din ang malaking deperensya sa agwat ng edad ng dalawa.
Ngunit kahit maraming kontrobersiya ay dumaan, ay nalampasan ito ng dalawa at ngayon nga ay masaya silang pagsasama bilang mag-asawa kasama ang kanilang anak na si Scarlet Snow.
Vic Sotto (1954) at Pauleen Luna (1988)
Image Credit via Google
Halos kasing edad nga lamang ni Pauleen Luna ang bunsong anak noon ni Vic Sotto na si Paulina Sotto. Maaalala nga na noong 1995 y naging contestant at nagwagi pang “Little Miss Philippines” si Pauleen sa noontime show na Eat Bulaga kung saan ay isa si Vic Sotto sa mga judges noon.



Bago nga magkaroon ng relasyon si Vic Sotto sa asawa na nito ngayon na si Pauleen Luna, ay unang nakarelasyon ni Vic si Pia Guaṅo, kung saan ay 19-taon ang gap age nila sa isa’t isa. Samantala nasa 34-taon na naman ang agwat sa edad nina Pauline at Vic.
Taong 2016 ng magpakasal sina Vic at Pauleen at mayroon na rin silang anak na babae at ito ay si Baby tali.
Marami pa nga ang mga kilala nating personalidad sa industriya ang nagpapatunay, na kahit malayo ang agwat sa edad sa isa’t isa ay hindi ito dahilan upang hindi niyo ipaglaban o ituloy ang pag-ibig niyo para sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *