Kilalanin Ang Mga Goin’ Bulilit Child Star Noon Na Ganap Ng Mga Dalaga Ngayon

Taong 2005 ng umere sa ABS-CBN ang Goin’ Bulilit, isang palabas na nagbibigay aliw sa mga kabataan tuwing Linggo.



Ang Kapamilya show nga na ito, ay binubuo ng mga batang aktor at aktres, na kung saan, upang makapagbigay ng aliw sa mga kapwa nila bata at sa mga manonood na rin, ay ipinapakita nila ang kanilang galing pagdating sa mga gags at jokes.
Sa paglipas ng mga taon, ay hindi na natin namamalayan na nag mga batang nagbibigay aliw noon sa Goin’ Bulilit ay nagsisipag lakihan na, kung saan ang iba sa kanila ay mga binata at dalaga na ngayon.
Magiging tampok nga natin ngayon, ay ang mga batang aktres noon sa Goin’ Bulilit na ngayon ay mga dalaga na, kung saan marami sa kanila ay talaga namang ginulat ang kanilang mga tagahanga dahil sa naging paglabas ng kanilang taglay na ganda sa kanyang pagdadalaga.
Kiray Celis
Photo Credit: kiraycelis/Instagram
Isa sa Kiray sa magagaling na batang aktres noon, at maging hanggang ngayon na siya’y dalaga na ay taglay pa rin niya ang kanyang pagiging isang magaling na aktres, mapa-comedy man o drama ito.
Matatandaan na ang pinaka-latest na pelikulang ginawa niya ay ang “I Love You To Death”, na inilabas noong taong 2016, kung saan ay nakatambal niya sa pelikulang ito ang hunk aktor na si Enchong Dee.
Eliza Pineda
Ilan sa mga seryeng pinagbibidahan ni Eliza Pineda ay ang “Mga Anghel na Walang Langit, Maria Flordeluna, at Kung Fu Kids.”
Ngayon ay nakikita nga sa dating child star, na isa na siyang ganap na dalaga, at kapansin-pansin rin ang kanyang pagiging flawless looks sa kayang soc med.
Kristel Fulgar
Maliban sa pagiging isang aktres pa rin ngayon sa showbiz, ay isa na ring vlogger at Youtuber su Kristel. Makikita nga sa kanyang nga vlog, na mahilig ang dalaga sa pagta-travel. Sa kanya ring vlog, unang ipinamalas ni Kristel ang kanyang galing sa pag-awit.
Jane Oineza
Photo Credit: janeoineza/Instagram
Isa sa masasabing magagandang dalaga ngayon sa showbiz. Siya rin ngayon ay isa ng award winning actress, commercial model, at singer.
Mika Dela Cruz
Photo Credit: mikadlacruz/Instagram
Bata pa lamang ay talaga namang taglay na ni Mika ang pagiging isang magandang bata, pero mas lumabas pa ang taglay nitong kagandahan ng siya ay nagdadalaga na.
Miles Ocampo
Photo Credit: milesocampo/Instagram
Noong bata pa si Miles ay mapapansin ang pagka-chubby nito, ngunit ginulat niya ang marami na ngayon na siya’y dalaga na ay confident siyang nagsuot ng swimsuit, kung saan ay sinuportahan siya ng ilan sa mga Kapamilya artists.
Sharlene San Pedro
Isang napakatalented na dalaga itong si Sharlene, dahil maliban sa pagiging magaling na aktres noon pang kabataan niya hanggang ngayon na siya’y dalaga na, ay may talento rin siya sa pag-awit at pagtugtog ng gitara.



Sa katunayan ay under na si Sharlene ng Ivory music, at nakapag release na rin ang dalaga ng dalawang single album noong 2016 at 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *