Kilalanin Ang Mga Nagagandahan At Matatalinong Anak Ng Aktres Na Si Sunshine Cruz

Si Sunshine Cruz ay isa sa mga hinahangaan at kilalang aktres sa mundo ng pag-aartista, ito dahil sa kanilang angking kagandahan, kaseksihan at taglay na husay sa pag-arte.
Marami rin sa atin ang nakababatid na siya ay mula rin sa isang pamilya na kilala sa mundo ng showbiz.




Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na kaya patuloy na nagsusumikap si Sunshine sa kanyang buhay at trabaho ngayon ay dahil sa mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang mga anak.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Magkaganon man ay very proud naman ang aktres sa kanyang tatlong anak, dahil sa kabila ng hindi lumaki ang mga ito na buo ang pamilya, ay kahanga-hanga naman ang mga achievements ng mga ito.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng akres sa kaniyang Instagram kung gaano siya kasaya at ka-proud bilang magulang sa mga achievement na tinatamasa ngayon ng kanyang mga anak.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Una ngang ibinahagi ni Sunshine ang achievement ni Angelina, ang panganay sa kanyang tatlong anak. Ayon nga sa IG post ni Sunshine magkakaroon na ng first lock-in taping sa TV 5 ang anak niyang si Angelina, at makakasama nga nito ang ilan sa mga sikat na artista.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Kasunod nito ay ang naging pagbabahagi ni Sunshine ng achievement ng pangalawa niyang anak na si Sam na nagtapos na umano ng isang serye sa iWant series. Maliban pa dito naging semi-regular performer na rin ang anak niyang si Samantha sa ASAP Natin ‘to ng ABS-CBN. Kabilang rin si Samantha sa ipinakilala bilang bagong miyembro ng “Gold Squad” sa nakaraang palabas na Kadena Ng Ginto.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Sa IG posy nga ng aktres ay makikita sa mga post ni Sunshine kung gaano siya nasisiyahan at kung paano niya pinahahalagahan ang mga achievement ng kanyang mga anak.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Ayon sa aktres, hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang pagpapakilala sa kanyang mga anak upang magbigay ang mga ito ng sobrang kaligayahan sa kanya bilang magulang, dahil sa mga tagumpay ng mga ito sa kanilang mga buhay.




Ipinahayag din ni Sunshine sa kanyang IG post kung gaano niya kamahal ang kaniyang tatlong mga anak. Makikita naman natin na sa kabila ng hirap na pinagdaanan ni Sunshine sa pagiging isang single mom ay hindi naman ito naging hadlang sa aktres upang mabigyan niya ang mga ito ng magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *