Kilalanin Ang Mga Naggagandahan Anak Na Babae Ng Hollywood Actor Na Si Sylvester Stallone

Gumagawa na ngayon ng sariling mga pangalan ang tatlong anak na babae ng dating sikat na Hollywood actor na si Sylvester Stallone sa modeling industry, ito nga ay ang kanyang mga magagandang anak na dalaga ni Sylvester na sina Sophia, Sistine at Scarlet.




Image Credit via Google

Tulad ng kanilang amang aktor na si Sylvester Stallone, ay mayroon ding kanya-kanyang potensyal ang tatlong magkakapatid, upang maging matagumpay sa kanilang mga buhay, sa mga bagay na talagang nais at gusto nilang gawin.

Image Credit via Google

Matatandaan na si Sylvester Stallone, ay isa sa mga well-renowned actor, na mas naging popular dahil sa kanyang mga role na ginagampanan sa mga award – winning movies. Isa siya sa mga bumida ng tanyag na pelikulang ‘Rocky’.

Image Credit via Google

Ngunit sa kabila ng kasikatan ni Sylvester, ay hindi naman naging ganoon kadali ang pinagdaanan niya sa buhay, bago man niya marating ang kanyang naging kasikatan.

Image Credit via Google

Ayon sa ilang mga ulat, bago paman maging isang sikat na aktor si Sylvester Stallone, ay naranasan muna nito ang hirap ng buhay, kung saan noong taong 1970’s, dahil sa wala siyang trabaho, at hindi suportahan ang sarili, ay naranasan niya na matulog sa mga bus terminal ng halos dalawang linggo.

Image Credit via Google

Samantala, edad 28-taong gulang naman si Sylvester ng ikasal ito sa unang pagkakataon. Kung saan ay nagkaroon siya ng dalawang anak sa kanyang unang naging asawa, at ito nga ay sina Sage at Seargeoh.

Image Credit via Google

Matapos ang naging paghihiwalay ng aktor sa kanyang unang asawa, ay ikinasal itong muli sa aktres at modelong si Brigitte Nielsen, na isinapubliko nilang dalawa. Hindi rin naman nagtagal ang kasal ni Sylvester at Brigitte, dahil pagkalipas ng dalawang taon, ay nauwi rin ang dalawa sa hiwalayan.

Image Credit via Google

Taong 1997, ay muli na namang nag-asawa at ikinasal si Sylvester, at ang kanyang naging pangatlong asawa ay si Jennifer Flavin, at ang naging anak nga nila ay tatlong babae, at ito nga ay sina Sophia, Sistine at Scarlet.

Image Credit via Google

Ngayon ay malalaki na at naggagandahang dalaga na ang tatlong anak na babae na ito si Sylvester sa kanyang naging pangatlong asawa. At ang mga ito ay talaga namang agaw-pansin, dahil sa kanilang angking ganda, talino at kaseksihan.

Image Credit via Google

Makikita nga sa mga larawan ng tatlong dalagang anak ni Sylvester, na talaga namang magaganda itong dalaga, lalo na suot nilang ‘designer clothes’ kung saan ay ipinamalas nilang magkakapatid, ang ganda ng lahi ng mga Stallone.

Samantala, taong 2017 sa ginanap na 74th Golden globe Awards, ay nakatanggap sina Sophia, Sistine at Scarlet ng parangal na Miss Golden Globe. Hindi nga maikakaila na sa kabila ng batang edad ng tatlong anak ni Sylvester, ay matagumpay na ito sa kanilang mga buhay.

Ang anak ni Sylvester na si Sophia, kamakailan lamang ay naging hurado ng Project Run Away, nakakuha rin ito ng isang magandang oportunidad, kung saan ay napabilang ito sa Dolce & Gabbana ad campaign kasama ang kanyang kapatid na si Sistine.

Kahit pa nga, modelo na ang tatlong mga anak ni Sylvester, ay nagpapatuloy pa rin ng mga ito ang kanilang pag-aaral. Si Sophia at Sestine, ay pumasok sa University of Southern California, samantalang sa high school naman pumapasok si Scarlet.

Para naman sa tatlong magkakapatid, kahit pa nga ba hindi magiging ganun kaganda ang mundo ng Hallywood para sa aspiring models na tulad nila, ay wala silang pangamba, ito ay dahil sa alam nila na nasa tabi nila ang kanilang ama, upang umalalay sa kanila.




Proud naman si Sylvester Stallone sa kanyang tatlong anak na dalaga. At upang ipakita sa publiko kung gaano siya ka-proud sa mga ito, ay nagbahagi siya ng larawan nilang buong pamilya, kasama ang kanyang asawa, at ang tatlo niyang magagandang mga anak, na nilagyan niya ng caption na;

“With my wonderful daughters on a magazine photoshoot that I crashed… Hey, I’ve got to keep an eye on them, right and believe me I do.” Ang isa namang larawan na kanilang ibinahagi, ay tinakpan niya ng caption na; The three roses and one weed.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *