Kilalanin Ang Mga Naggagandahang Babae Na Naging Parte Ng Buhay Ni John Lloyd Cruz

Sino nga ba naman ang hindi kikiligin at hindi mahuhulog ang damdamin sa isa sa mga sikat at popular na aktor ng kanyang henerasyon, na si John Lloyd Cruz o mas kilala nga natin bilang si Lloydie.




Ang kanyang looks ay talaga namang napakalakas ng appeal at talaga namang nakakahulog rin ng damdamin ang kanyang nakakatunaw na tingin, kaya naman talagang marami ang humanhanga at kinikilig sa kanya mapa-kapwa niya artista at nagging sa kanyang maraming mga tagahanga.

Bilang isang sikat at iniidolong aktor sa industriya ng showbiz, ay naging bukas nga sa publiko ang aktor pagdating sa kanyang buhay, kahit na nga ang kanyang buhay pag-ibig ay hindi rin pinalampas na subaybayan ang publiko.

Hindi nama lingid sa kaalaman natin na marami na ring nakarelasyon si Lloydie at karamihan nga sa mga ito ay mga kilala ring aktres sa industriya na kanyang kinabibilangan. At ang pinakahuling babae nga na kanyang minamahal at nakarelasyon ay ang sexy actress na si Ellen Adarna, kung saan nga ay nagkaroon pa sila ng isang anak.

Samantala, sa gallery nga na ito ay makilala natin ang ilang mga babae na naging parte ng buhay ni Lloydie at nagpatibok rin sa puso ng hinahangaan nating aktor.

Kaye Abad

Ang aktres na si Kaye Abad ang kauna-unahang babae na bumihag sa puso ng aktor na si Lloydie, kung saan ay 15-taong gulang lamang noon ang aktres samantalang ang aktor naman ay 14-taong gulang pa lamang. Dahil nga sa sila ay napakabata pa ng mga panahon na iyon, ay tumagal lamang ng halos siyam na buwan ang kanilang naging relasyon.

Image Credit via Google

Sa ngayon ay masayang namumuhay si Kaye Abad, at mayroon na nga siyang sariling pamilya, matapos niyang maikasal sa businessman at dating PBB housemate na si Paul Jake Castillo. Ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay biniyayaan na ng isang anak, at ngayon nga ay muli namang nagdadalang tao ang aktres, na siyang maging 2nd baby nila ng asawa.

Liz Uy

Image Credit via Google

Tatlong taon naman ang itingal ng relasyon ng aktor kay Liz Uy, at ang aktres nga ang pinakamatagal na naging karelasyon ni Lloydie kaya naman itintuturing niya na ‘great love of his life’ ang aktres.

Sa ngayon ay isa ng ganap na moomy si Liz Uy, dahil dalawa na nga ang anak nila ng kanyang partner na si Raymond Racasa.

Sarah Geronimo

Image Credit via Google

Dahil sa naging pagsasama nila sa pelikulang “A Very Special Love” at “You Change My Life” ay naging malapit nga sa isa’t isa si Sarah at Lloydie. Inamin rin ng dalawa noon na dahil sa pagiging malapit nila ay nagkaroon sila ng espesyal na pagtitinginan sa isa’t isa.

Matatandaan naman na noong taong 2008 ay binigyan pa umano ng aktor ang singer-actress nag isang mamahaling singsing, ngunit dahil sa pagkakaroon nila ng misinterpretation ay ibinalik nga ni Sarah kay Lloydie ang singsing.




Nanatili naman ang pagkakaibigan ng dalawa sa kabila ng pangyayari. Ngayon nga ay happily married na si Sarah sa kanyang asawang si Matteo Guidicelli, at noon ngang nakaraang buwan ng Pebrero ay nagdiwang na ang mag-asawa ng unang anibersaryo ng kanilang naging pag-iisang dibdib.

Shaina Magdayao

Image Credit via Google

Ang relasyon ni Shaina at Lloydie ay nagsimula sa kanilang pagkakaibigang dalawa. Ngunit dahil nga sa iba’t ibang isyu ay tuluyan nga silang naghiwalay. Isa nga sa mga naging isyu noon, ay ang di umanoy patuloy na pakikipag flirt ni Lloydie kay Ruffa dahil sa phone calls dito ng nasabing aktres.

Angelica Panganiban

Image Credit via Google

Inamin ni Lloydie ang pagkakaroon nila ng relasyon ng aktres na si Angelica noong taong 2016. Sa naging panayam naman noon kay Angelica sa program ani Vice ganda na Gandang Gabi Vice ay sinabi nito na marahil ay siya ang naging dahilan ng naging paghihiwalay ni Shaina at Lloydie.

Ilang taon namang naging single si Angelica, ngunit kamakailan nga lamang ay masaya na nitong isinapubliko ang relasyon nito sa non-showbiz personality na si Gregg Homan na di umanoy isang businessman.

Bea Alonzo

Image Credit via Google

Ang aktres na si Bea Alonzo ang pinakamatagal na naging ka-loveteam ni Lloydie, kung saan ay halos 15-taon nga silang naging magkatambal sa iba’t ibang mga serye at malalaking proyekto. Malaki nga ang naging pasasalamat nilang dalawa dahil sa naging pagtangkilik ng marami sa kanilang tambalan, kaya naman talagang tumagal ang kanilang samahan ng napakahabang panahon.

Noon naman ay mayroong naging isyu na kaya naghiwalay si Bea at ang nobyo nitong aktor noon na si Zanjoe Marudo ay dahil umano kay Lloydie, ngunit agad namang nilinaw ng aktor na magkaibigan lamang sila ng aktres.

Marami naman ang nakababatid sa atin na ang huling nakarelasyon ni Bea ay ang aktor na si Gerald Anderson. At matapos nga ang naging paghihiwalay nila ng aktor, ay nanatili ngang ‘single but happy’ ngayon ang aktres.

Ellen Adarna

Image Credit via Google

Malaki naman ang naging pagbabago sa buhay ni Lloydie ng maging karelasyon niya ang aktres na si Ellen Adarna. Ito ay dahil nga sa kanyang naging pagmamahal sa aktres, ay mas pinili niya na lisanin ang kanyang karera sa showbiz, upang magkaroon ng simple at tahimik na buhay kasama ito.

Ngunit matapos nga ang ilang taon nilang relasyon, ay nauwi rin silang dalawa sa hiwalayan. Sa kabila naman nito, ay may naging bunga naman ang kanilang naging pagmamahalan, at ito nga ay ang naging anak nila na si Elias Modesto. Nanatili namang mabuti at responsableng ama si Lloydie sa anak niya sa aktres.




Sa ngayon ay engaged na nga si Ellen Adarna na aktor na si Derek Ramsay, kung saan sa kabila ng hindi pa nga sila kasal ay usap-usapan ng ang dalawa ay nagsasama na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *