Kilalanin Ang Mga Naggagandahang Celebrity Na Hindi Ikinahihiya Ang Naging Pagbubuntis Nila

Batid natin na sa isang celebrity ay isang “big challenge” ang maging isang magulang, lalo na sa mga aktres, dahil sa ang career at ganda ng hubog ng katawan nila ay maaring magbago.



Ngunit sa kabila nito, ay may ilan pa ring mga celebrity mommy na hindi ikinahihiya ang kanyang pagbubuntis, at proud na ibinahagi sa kanilang mga tagahanga ang panibagong “journey” sa kanilang buhay.
Narito nga ang ilan sa ating mga kilalang celebrity na ngayon ay mga mommy na, na proud na ibinahagi sa publiko at kanilang mga tagahanga ang kanilang naging pagbubuntis.
1. Sarah Lahbati
Photo Credit: sarahlahbati/Instagram
Matapos ang naging engagement nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ay masayang ibinahagi ng dalawa sa kanilang ‘perfectly curated shoot”, na ang kanyang panganay na anak na si Zion ay maging “Kuya”na.
Sa isa ngang family photo na ibinahagi ni Sarah at Richard, ay kalakip nito ang isang sonogram ng paparating na bagong parte ng kanilang pamilya.
2. Isabelle Daza
Photo Credit: isabelledaza/Instagram
Masaya namang ibinahagi ng mag-asawang Belle at Adrian, na sila ay magkaka-First baby na. Sa kanila ngang IG account ay isang malikhaing IG post ang kanilang ibinahagi kung saan ito ay larawan na mayroong Stan Smith sneakers na may kiddie version, at kalakip ang isang sonogram., kung saan ay sinabi rito ni Belle kung ano ang gender ng kanilang magiging baby.
3. Pauleen Luna
Matatandaan na taong 2017 ng mabuntis si Pauleen sa panganay nilang anak ni Bossing Vic Sotto, kung saan ay nagbahagi siya ng kanyang larawan habang siya ay nasa salon, at pansin ng pansin na ang kanyang “baby bump.”
4. Nikki Gil
Photo Credit: nikkigil/Instagram
Ibinahagi rin ni social media-elusive Nikki Gil sa kanyang IG account ang kanyang prominent baby bump. Ang larawan ay tila kuha, habang siya at si BJ ay nakikipag hanging-out a kanyang kaibigang si Patty Laurel, na kasama naman ng kanyang asawang si Patrick at anak na si Theo. Ito nga ay isang kumpirmasyon na talagang inaantay ng mga tagahanga ni Nikki.
5. Ellen Adarna
Bihira man magbahagi ang aktres ng larawan ng kanyang anak na si Elias, makikita naman sa ilang mga larawan nila sa social media account ni Ellen, na malapit sila sa isa’t isa at talagang mahal na mahal niya ang kanyang si Elias.
6. Kylie Padilla
Ibinahagi naman ng aktres na si Kylie Padilla ang kanyang baby bump noong buwan ng Marso, kung saan ay mapapansin na siya ay nasa isang prenatal yoga class.
Matatanda na buwan ng Enero ng i-anunsyo ni Kylie ang kanyang pagbubuntis, at ito nga ay nagsilang ng buwan ng Agosto.



Tunay nga namang kahanga-hanga ang mga babaeng, confident sa pagbabahagi ng pagbabago sa hugis ng kanilang pangangatawan dahil sa kanilang pagbubuntis. At nakikita nga sa mga proud celebrity mommy na ito, na kahit sila’y mga mommy ay talaga namang napa-hot at sexy pa rin ng mga ito ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *