Kilalanin Ang Mga Naggagandahang Kapatid Ng Hinahangaang Aktres Na Si Kylie Padilla

Halos ilang taon na rin ng ikasal ang aktres na si Kylie Padilla sa kanyang asawang aktor na si Aljur Abrenica. Kung babalikan nga ang naging kasal ng dalawa ay isa ito sa pinakamasaya at nakaka-touch na pangyayari sa buhay ng aktres, dahil maliban sa nakasal siya sa taong kanyang minamahal, ay nasabing okasyon din ang halos buong pamilya niya.




Dream come true nga talaga para kay Kylie ang kanyang bagong kasal, dahil sa naroon rin ang presensya ng kanyang ama, ina at mga kapatid.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Sa naging kasal nga ng aktres, ay nasilayan natin ang kanyang mga naggagandahang mga kapatid sa kanyang amang si Robin Padilla, at sa ina niyang si Liezl Sicangco.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Naging Matron of Honor ni Kylie sa kanyang naging kasal ang kanyang nakatatandang kapatid na si Queenie Padilla, at ang kanyang maid of honor naman ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Zherileen Padilla.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Maliban pa nga sa mga naggagandahang babae kapatid ni Kylie, ay nakadalo rin sa kanyang kasal ang kanyang nag-iisang kapatid na lalaki na si Ali Padilla.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Ang half-sister naman ni Kylie sa kanyang ama, na si Camille, ang isa sa mga kapatid niyang babae na hindi nakadalo sa kanilang kasal.Si Camille ay anak ng am ani Kylie na si Robin Padilla, kay Leah Orosa.

Ngayon nga ay batid ng marami sa atin na ang am ani Kylie na si Robin, ay asawa na ang TV host na si Mariel Padilla, at sila ay mayroon na ring mga anak. Kabilang sa mga naging flower sa kasal ni Kylie ang anak nina Robin at Mariel na si Maria Isabela.

Dahil sa naging kasal ng aktres, ay nagsama-sama nga silang magpamilya at nagkaroon ng pagkakataon na makapag-bonding. Isa nga sa mga bonding na kanilang ginawa ay ang makapag bakasyon sa loob at labas ng Pilipina. Nagtungo rin sila sa bansang Spain at Japan.

Samantala, narito nga ang ilan sa mga ilang detalye tungkol sa kanyang mga kapatid na sina Queenie at Zherileen Padilla. Si Queenie Padilla ay nagsilang rin sa kanyang anak, ilang linggo lamang matapos magsilang ni Kylie. Ang anak ni Queenie ay pinangalanang Mustahsina Mikailah.

Kinilala naman ang asawa ni Queenie na si Usama Mir, na isang YouTube influencer. Silang mag-asawa ay mayroong negosyo na online selling, kung saan ay iba’t ibang statement shirts, hoodies at mga hijab ang kanilang itinitinda.

Ang isa na naman ng ang kapatid ni Kylie na si Zherileen Padilla na kung tawagin nga ng pamilya ay si Zenzen, ay mayroon ring magandang mukha tulad ng kanyang ate Kylie.




Noon ngang kasal ni Kylie ay nag-post ang dalaga ng kanyang larawan na naka-public, na may kalakip nga na caption na, “The only time that I’ll take selfie.”

Makikita nga sa social media ni Zenzen na ito ay mahilig sa gaming at travels. Nakasaad din na ito’y nag-aaral ng Film course sa isang Unibersidad sa bansang Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *