Kilalanin Ang Mga Naging Ex-boyfriend Ni Marian Rivera Bago Napangasawa Si Dingdong Dantes

Isa sa maituturing na pinakamaganda at sexy na aktres ngayon sa industriya ng showbiz ay si Marian Rivera Gracia-Dantes, o mas kilala ng publiko bilang si Marian Rivera.




Hindi nga maikaka-ila na marami ang humahanga sa angking ganda ng aktres, na kung saan ay maging mga kapwa niya artista ay napapahanga rin niya sa kanyang ganda at kasexyhan.

Image Credit: marianrivera/Instagram

Kilala rin si Marian Rivera ngayon, bilang asawa ng gwapong actor na si Dingdong Dantes, na isa rin sa mga pinapantansya ng maraming kababaihan.

Image Credit: marianrivera/Instagram

Ngunit alam niyo ba na bago pa man maging karelasyon at asawa si Marian ni Dingdong ay may mga naging ex-boyfriend na din ang nasabing aktres sa industriya ng showbiz.

Image Credit: marianrivera/Instagram

Ayon nga sa aktres, bago pa siya nakilala at sumikat bilang artista sa industriyang kanyang kinabibilangan ngayon ay may tatlong showbiz personality siyang nakarelasyon noon, at isa nga sa mga ito ay umabot pa ng halos 8-taon ang kanilang relasyon bago pa man niya makada-upang palad at makahulugan ng damdamin ang napangasawa niyang si Dingdong.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga ito na sinasabing naging ex-boyfriend ni Marian ay ang kilalang aktor na si James Blanco. Ayon nga sa isang source, nag-aaral pa lamang si Marian sa La Salle-Dasma Cavite ay magkakilala na ang mga ito.

Bago pa man makilala bilang aktres si Marian ay nakarelasyon na umano nito si James Blanco, kung saan ay may ilan na nagsasabi na ipinapagamit ng aktor ang sasakyan nito kay Marian noon pag pumapasok ito sa La Salle-Dasma Cavite.

Image Credit via Google

Wala namang naging malinaw na konpirmasyon ang dalawa ukol sa umugong na naging relasyon nila, hanggang sa mapabalita nga na nalilink na ang nasabing aktres sa isang aktor at ito ay si Mark Herras.

Image Credit via Google

Matatandaan din na umugong ang balita noon na di umanoy nakilala lamang si Marian sa showbiz mula ng malink ang pangalan nito sa itinuturing na “Bad boy of the dance floor”, na si Mark Herras.

Wala namang naging kumpirmasyon si Marian ukol sa totoong naging relasyon niya kay Mark, hanggang sa naging usap-usapan na nga na karelasyon ng aktres ang isang actor, model, at basketball player na si Ervic Vijandre.

Ayon sa ilang mga ulat, si Ervic Vijandre ang pinakamatagal na nakarelasyon ni Marian bago pa mana nito nakilala at naging asawa si Dingdong Dantes.

Matagal na umanong magkakilala ang dalawa at ito ay mula pa ng magkita sila sa isang pagdiriwang ng United Nations Day sa St. Francis of Assisi College.

8-taon umano ang itinagal ng relasyon ng dalawa, na kahit pa nga ba nasa Taguig Campus si Ervic at Bacoor naman si Marian, ay nagagawa mag-commute noon ng aktres makasama lamang ang boyfriend noon na model-actor.

May mga naging usap-usapan din noon, na nagkaroon ng ibang girlfriend si Ervic habang sila pa ni Marian, ngunit hindi umano ito pinansin ng nasabing aktres dahil sa labis na pagmamahal niya noon sa kasintahan.

Samantala, kung ating natatandaan ay naging sentro naman noon si Marian ng hiwalayang Dingdong at Karylle ng may ilan na nagsabing siya ang naging third party sa relasyon noon ng dalawa. Ngunit ayon sa naging pahayag noon ni Dingdong “conflict of priorities” ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Karylle at hindi si Marian o third party ang dahilan.

Matatandaan naman na una ngang nagkasama sa remake ng hit mexican series na “Marimar” taong 2007 sina Dingdong at Marian, at ayon nga sa naging panayam noon sa actor ng mga panahong iyon na una niyang nahawakan ang kamay ng aktres ay “purely working relationship” lamang ang kanyang naramdaman para rito.

Ngunit muli ngang nagsama ang dalawa sa isang proyekto dahil sa pumatok at minahalnng mga manonood ang tambalan nila.Kaya naman sa sumunod na proyekto nilang dalawa ay naging malapit sila sa isa’t-isa.

Ang proyekto nilang “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang”, ang isa sa mga proyekto ng dalawa kung saan mas lalo silang naging malapit sa isa’t isa.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon taong 2010, ito ay ng marami na ang nakakapansin ng sweetness nilang dalawa at matapos nga ang limang taon bilang magkasintahan, ay ginanap ang engrandeng kasalan na Marian at Dingdong noong December 30, 2014.




Isa sa mga itinuring na grand wedding of the year, ang kasalan nina Marian at Dingdong at ito ay ginanap sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City.

Sa ngayon nga ay masaya ang buhay mag-asawa at pamilya nina Marian ang Dingdong, at sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay pinagkalooban na sila ng dalawang cute na mga chikiting na sina Zia at Ziggy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *