Kilalanin Ang Mga Pinay Celebrities Na May Mga Kahawig Na Foreign Celebrities

Kung sa tingin mo ay namamalikmata ka? pwes its a NO! dahil talagang may mga Pinay Celebrities tayo na kasing ganda at nahahawig pa sa mga kilalang Foreign celebrities. Oh di ba? Bongga! Pang-hallywood ang ganda.




Halina’t kilalanin natin sila, at alamin kung sino ang mga Foreign celebrities na kamukha nila;

Maggie Q at Solenn Heussaff

Image Credit via Google     

Hindi naman magpapahuli lagi sa awrahan sa kani-kanilang Instagram account sina Solenn Heusaff at Maggie Q, at makikita nga sa bawat larawan nilang dalawa ang pagkakahawig ng kanilang mga mukha.

Tulad ni Solenn ay mahilig din sa adventure si Maggie, at may pagkakapareho rin sila pagdating sa kanilang lifestyle na may pagka-carefree attitude.

Jaime Lorente at Nico Bolzico

Image Credit via Google

Marami naman ang nagsabi na kamukha ni Argentinian Businessman na si Nico Bolzico ang aktor ng “Money Heist” na si Jaime Lorente. Ayon pa kay Nico, ay excited siyang makita at makilala sa personal ang Spanish actor.

Selena Gomez at Leila Alcasid

Image Credit via Google

Hindi nga lamang magkahawig sa mukha sina Selena Gomez at anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid dahil maliban sa pareho silang maganda ay pareho rin silang may talento sa pag-awit.

Lee Young Ae at Marian Rivera

Image Credit via Google

Tunay nga naman na nakakahalina ang mukha ng Prime Queen ng Kapuso Network na si Marian Rivera, kalokalike naman niya ang korean artist na si Lee Young Ae.

Jessie J at K Brosas

Image Credit via Google

Sa hugis ng kanilang mga mukha ay nahahawig na ang dalawa. Paano pa kaya kung kumanta ng Domino si K Brosas at mag Stand-up naman si Jessie

Daniel Arenas at Piolo Pascual

Image Credit via Google

Hawig na hawig silang dalawa, naku pati sa pagpapakilig.




Anne Curtis-Smith at Kylie Jenner

Image Credit via Google

Marami din ang nagsasabi na magkahawig sina Ann Curtis at Kylie Jenner. Maliban pa nga sa pagkakahawig nila ng looks, ay pareho ring may make-up lines ang dalawa.

Darren Espanto at RM

Image Credit via Google

Napapansin niyo ba ang hawig ng Pinoy singer na si Darren Espanto sa Korean Pop Leader ng BTS na si Kim Namjoon?

Kylie Padilla at Han Seo Hee at cassy legaspi

Image Credit via Google

Pwedeng-pwede naman gumanap bilang Yeo Da-Kyung sa K-drama series na “A World of Couple” si Kylie Padilla o kaya si cassy legaspi dahil kung magkakaroon man itong Pinoy-Adaptation dahil sa pagkakahawig nila kay Han Seo Hee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *