Kilalanin Ang Mga Popular Na Vlogger At Social Media Star At Ang Kanilang Mga Naipundar

Noon, ay mga artista lamang ang naging popular at nagkakaroon ng maraming mga tagahanga. Ngunit sa panahon ngayon, dala ng mga makabagong teknolohiya na sumisikat at lumalabas sa social media sa Pilipinas, ay nagsipag labasan at sikatan na rin ang mga vloggers at influencers.



Dahil sa mga popular na social media apps ngayon tulad ng Facebook, YouTube, Twitter at Tiktok, ay marami sa mga social media personalities ang gumagawa ng kani-kanilang mga pangalan sa online world, kung saan ay marami sa kanila ang talaga namang sikat at popular na.
Narito nga ang ilan sa mga vloggers at influencers na ating kilala, at ang mga bagay na naipundar na nila dahil sa kanyang pagiging sikat at popular online.
1. Baninay
Image Credit via Google
Ang YouTube channel ni Baninay Bautista ay mayroon ng mahigit 1.68 milyon na mga subscribers.
Dahil sa dami ng kanyang mga subscribers, ay talaga namang masasabi natin na isa siya sa pinakapopular na vlogger ngayon kaya naman nakapag pundar na siya ng sarili niyang condo at sasakyan. Nakabili na rin ang dalaga ng sarili niyang lote, at nakapag patayo na siya ng kanyang negosyo.
2. Christian Merck Grey
Image Credit via Google
Meron namang mahigit 3.28 milyong mga subscribers si Christian Merck Grey sa kanyang Youtube Channel. Taong 2018, ng maipundar niya ang kanyang sariling bahay.
3. Anna Cay
Image Credit via Google
Kilala si Anna Cay, bilang sa isa mga beauty YouTube vlogger. Siya ay mayroong 875,000 subscribers sa kanyang YouTube channel at sa Instagram naman ay mayroon siyang 374,000 na mga followers.
Isang bagong condo unit ang kanyang binili sa Taguig, kung saan ayon sa kanya ay ito ang magiging “forever home” nila ni Geloot Villalobos, ang kanyang fiancé.
4. Lloyd Cadena
Image Credit via Google
Si Lloyd Cadena naman ay may dalawang YouTube channel, ng isa ay ang Lloyd Café Cadena channel na mayroong 5.2 milyong mga subscribers at ang pangalawa naman ay ang Lloyd Café Cadena vlogs na mayroong 3-milyong mga subscribers.
Kalilipat lamang ng pamilya ni Lloyd sa bagong bahay nila sa Cavite, ang ‘family home’ na kanyang naipundar.
5. Wil Dasovich
Image Credit via Google
Umabot naman sa 2.5 milyon ang subscribers ng YouTube channel ni Wil Dasovich.
Noong ika-18 ng Nobyembre noong 2019, ay ipinasilip ni Wil ang kanyang bagong condominium sa kanyang vlog.
6. Ranz Kyle
Image Credit via Google
Siya ang itinuturing na isa sa pinaka-biggest social media star sa Pilipinas, dahil ang kanyang YouTube channel ay mayroon ng 12 milyong mga subscribers at ang kanyang Facebook naman ay mayroong 9.9 milyong mga followers.
Mayroon din siyang 4.6 milyon Instagram followers, at 840,000 Twitter friends.
Noong 2017, ay nabili ng binata ang kanyang pinapangarap na sasakyan, at ito ay ang Mustang, kung saan ay ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel ang naging pagbili niya rito.
7. Cong at Viy
Image Credit via Google
Youtube power couple naman kung ituturing sina Cong (Lincoln Velasquez) at Viy Cortez. Ang YouTube channel ni Lincoln ay ang ConTv na mayroong 6-milyong subscribers, habang 3.5 milyon naman ang subscriber’s ng channel ni Viy.
Noong June 17, ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-5 anibersaryo.
Ipinasilip naman ng dalawa ang make-over na ginawa nila sa kanilang “Payamansion”, noong Pebrero 2020.
8. JaMill
Image Credit via Google
Isa rin sa mga popular na vlogger ngayon ang magkasintahan Jayzam Manabat at Camille Trinidad, dahil sa ang kanilang Youtube channel na “JaMill”, ay mayroon ng mahigit 10-million subscribers



.
Ipinasilip naman nila sa kanilang channel ang isang house tour sa kanilang tahanan, kung saan ay umabot na ang viewers nito sa 8.5 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *