Kilalanin Ang Mga Sikat Na Artista Naka Pag Donate Ng 50 Bikes Sa Mga Kababayan Natin Sa Pasig City

Dating Miss Universe Catriona Gray, boyfriend nitong si Sam Milby, kaibigan niyang si Gretchen Ho, at ilan pang mga organisasyon, pinagsama-sama ang kanilang nalikom sa kanilang mga ‘resources’ para makapag-donate ng 50 pirasong mga bagong bikes sa ilang mga kababayan natin sa Pasig City.



Ang programa ngang ito nina Catriona Gray, Sam Milby at Gretchen Ho ay tinawag nilang “Donate a Bike.Save a Job”, kung saan ay naging matagumpay rin ito sa tulong ng Cornerstone Entertainment at iba pang mga pribadong organisasyon.
Photo Credit: catriona_gray/Instagram
Sa Instagram nga ni Gretchen Ho, ay makikita ang kanyang post tungkol sa naging pagbabago ni ng mga bisikleta sa Pasig City.
Photo Credit: catriona_gray/Instagram
“We did this bike drive last Sunday in the @emcorehealth compound. Thank you Emcore, for having us!!! Dahil sa inyo napadali at mas naging maayos ang distribution naming (smiley emoji) Mighty proud of my team again for being able to work efficiently.”
Photo Credit: catriona_gray/Instagram
“May nabigyan na naman tayo ng 50 na nagtatrabaho!! Sa ngayon 185 bikes na napamigay natin. Let’s put riders on the road.”
Samantala, sa Instagram account naman ni dating Miss Universe Catriona Gray noong ika-16 ng Setyembre, ay makikita na nagbahagi rin ito ng isang post kung saan ay binigyang pugay nito nag pagiging “initiative” ni Gretchen Ho.
Photo Credit: catriona_gray/Instagram
“So happy to partner up with @gretchenho for this cause! Together with @samuelmilby, @visionerickson, @secretscentsph and @cornerstone family, we pooled together our resources to donate 50 bikes to the residents of Pasig City”, ang naging saad nga ni Catriona.
Photo Credit: catriona_gray/Instagram
Ayon nga kay Catriona Gray, malaki nga naman ang maitutulong ng naging pamamahagi nila ng mga bisikleta para sa ilan nating mga kababayan, lalo na sa mga kababayan nating hirap sa pagsakay ngayon sa mga pang publikong sasakyan dahil sa limitado lamang ang mga namamasada.
Dagdag pa ni Catriona, sa pamamagitan ng mga bisikleta ay maaring muling makahanap ng panibagong trabaho ang mga kababayan natin na nawalan ng hanap-buhay dahil sa pagkakaroon ng krisis sa ating bansa.
Hinimok rin ni dating Miss Universe ang ilan pang mga personalidad sa lipunan na may kakayahang mag-donate sa mga nangangailangan na makiisa sa ginagawa nila.
“@gretchenho is leading such an amazing initiative and hopes to fundraise to donate 1,000 bikes by the end of the year!”



#DonateABikeSaveAJob with us! Simply email [email protected] and help support Filipino families and save jobs. @womaninaction.ph
Marami-rami na namang ngang mga kababayan natin mula sa Pasig City ang masayang nakatanggap ng ipinamahagi ng mga bisikleta nina Gretchen Ho at Catriona Gray.
Ang naging donasyon na ito na pamamahagi ng 50 na mga bisikleta ay naging posible pa dahil sa tulong ng boyfriend ni Catriona, na si Sam Milby, at ng iba pang mga pribadong organisasyon tulad ng Cornerstone Talents, Secret Scents at Medigrade Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *