Kilalanin Ang Mga Sikat Na Artistang May Mga Kapamilyang May “Special Needs”

Ginagamit ang “special needs” para sa mga taong may kakaibang karamdaman. Kasama rito ang delayed developments, medical, congenital, at psychiatric conditions na kinakailangan ng espesyal na atensyon para mas lalong maintindihan ang kanilang potensyal at pangangailangan.




Ang pagkakaroon ng ganitong kondisyon ay maaaring magdulot stress sa bata at sa pamilya. Maraming tao ang nakikita ang kanlang mga kahinaan at ang kanilang itsura. Tinitingnan ito ng ibang pamilya bilang isang matinding hamon ngunit ang iba’y tinitingnan ito bilang kanilang mga tagumpay sa pangaraw-araw na paghihirap na kailangan nilang indahin.

Ang bawat sitwasyon ay may kani-kaniyang istorya at bawat kaso ay iba. Narito ang ilang sikat na mga artista na may kapamilyang may “special needs.”

1. Kris Aquino

Inamin ni Kris na nahirapan siyang tanggapin ang kondisyon noon ng kaniyang panganay. Nakitaan si Josh ng kondisyon na “autism” at naintindihan ni Kris na para mabigay niya ang mga espesyal na pangangailangan ng kaniyang anak, kailangan niya munang tanggapin ang sitwasyon nito.

2. Candy Pangilinan

Sa isang panayam ay inamin ni Candy na minsan niya ng sinisi ang kaniyang sarili sa kondisyon ng kanyang anak ngunit sinabi niya rin na humugot siya ng lakas sa Panginoon at nakatulong ito sa mga problemang dumating sa kanya. Sabi ni Candy, “I never questioned God. As a matter of fact, I went to Him agad.” Matapos ang ilang taon ay nilunsad niya ang kaniyang libro na may pinamagatang “Mommy Dear: Our Special Love,” kung saan kwinento niya ang kanyang karanasan sa pagpapalaki ng kanyang anak na may autism na si Quentin.

3. Vickie Rushton

Noong 2017 ay nagbahagi si Vicky ng litrato ng kaniyang kapatid na si Kian sa Facebook. Dahil sa dami ng gawain, hindi sila masyadong nagkakasama ng kaniyang kapatid. Ngunit sa kabila nito, hindi nila ito ginawang rason para hindi mag-bond bilang magkapatid.




4. Andrea Torres

Sa kabila ng kondisyon ng kaniyang kapatid, lubos ang pagmamahal ni Andrea sa kanya at sinabi niya rin na gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang kaniyang kapatid lalo na sa mga nangungutya sa kanyang kondisyon.

5. Karen Davila

Ibinahagi rin ni Karen Davila na ang anak niya ang nagturo sa kanya kung paano magmahal.
“Sometimes when the intervention is not full, they cannot show your love back. There were very painful times when David was around five, he was not hugging me, not saying I love you, he could not look me in the eye. And nothing is more painful to a mother.”

6. Sofia Andres

Mayroong down syndrome ang kapatid ni Sofia na si Andres. Sinabi ni Sofia na hindi niya sinubukang itago ang kondisyon ng kapatid at sa halip ay nagkaroon pa ito ng pagkakataon na lumabas sa pelikulang “The Story of Us.”




7. Ara Mina

Naniniwala si Ara na ang kanyang lucky charm ay ang kanyang kapatid na si Mina Princess Klenk. May down syndrome si mina at hindi nila ito tinuring na pabigat sa kanilang pamilya. Biyaya siya sa kanilang pamilya at isa sa mga pinagkukunan nila ng pagmamahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *