Kilalanin Ang Mga Talentado At Artistahin Looks Na Anak Ng Aktor Na Si James Blanco

Isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz si James Blanco. Nahasa ang kanyang talento sa pagiging isang aktor, dahil sa maaga siyang napasok sa mundo ng pag-arte.




Unang nasilayan ang husay niya bilang isang aktor, ng mapabilang siya sa Kapuso teen-oriented show na “Click”, at magmula ng noon ay naging maganda na ang pasok ng mga proyekto sa naturang aktor.

Photo Credit: jamesblancocastillo/Instagram

Noon ay nasa ilalim si James ng pamunuan ng Kapuso network, kung saan ay kabilang siya sa ilang mga serye nito, tulad na nga lamang ng “Marimar”, “Yagit” at “Prima Donnas.” Nang maging Kapamilya naman siya ng ABS-CBN network, ay binigyan siya ng mga “role”

Photo Credit: jamesblancocastillo/Instagram

sa serye na “The Killer Bride” ni Maja Salvador noon at “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Samantala, maliban sa pagiging isang mahusay na aktor, sa personal na buhay naman ni James Blanco ay ginagampanan niya ang “role” ng pagiging isang mabuti at responsableng ama sa kanyang mga anak.

Photo Credit: jamesblancocastillo/Instagram

Kaya naman sa kabila ng pagiging abala niya sa trabaho, ay naglalaan pa rin siya ng oras na makabonding ang mga ito. Marahil ay hindi natin mahahalata sa aktor, na siya nga’y isa ng ama dahil sa kanyang batang-bata pang hitsura, ngunit si James nga ay mayroon ng tatlong anak sa kanyang asawang si Tania Creighton.

Photo Credit: jamesblancocastillo/Instagram

Dalawa sa anak ni James ay lalaki, at ang mga ito nga ay binata na, samantalang ang bunso naman ay babae na unica hija ng kanilang pamilya. Sa Instagram account nga ng aktor, ay mapapansin sa mga ibinahagi niyang mga larawan ay madalas niyang kasama ang kanyang mga anak.

Photo Credit: jamesblancocastillo/Instagram

Noon ngang ika-23 ng Pebrero ay nagbahagi si James ng kanyang larawan kung saan ay makikita ang kasama niya ang kanyang dalawang anak na lalaki na sina Iňigo at Sebastian sa loob ng isang gym. Mapapansin nga na talagang mga binata na ito, dahil halos kasingtangkad na nila ang kanilang ama. Kitang-kita rin na napaka gwapo ng mga anak ni James, na walang duda ngang namana rin sa kanya.

Ang panganay na anak ni James ay si Iňigo, at ito’y mahilig rin sa paglalaro ng basketball tulad niya. Isa rin itong manlalaro ng team sa kanilang paaralan.Si Sebastian naman ang ikalawang anak ng aktor, ay napakatalentado din, dahil sa ito’y mahusay kumanta. Makikita ngang pareho na gwapo ang mga anak na binata ni James.

Si Nathalia, ang bunsong anak ni James at unica hija nga ng kanilang pamilya, ay may katangi-tangi ring talent, dahil sa ito’y napagaling mag-gymnast. Sa katunayan ay pinasaya niya ang kanyang mga magulang ng magwagi siya ng gold medals sa isang gymnastics competition noong 2019 na ginanap sa Bangkok, Thailand.




Tila naman sa tatlong mga anak ni James, ay ang unica hija niya talaga ang kanyang kamukha, dahil nakikita nga sa cute photo ng mag-ama ay malaki ang hawig nila sa isa’t isa.

Kung nagpaplano man nga ang mga anak ni James na sundan ang yapak niya na pasukin ang mundo ng showbiz, ay hindi kataka-taka na maging artista rin nga ang mga ito balang araw dahil sa kanya-kanya nilang taglay na talento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *