Kilalanin Ang “Mini Me” Ni Cristine Reyes Ang Kanyang Unica Hijang Si Amara

Bilang isang ‘mommy’ ay proud ang aktres na si Cristine Reyes sa kanyang anak na si Amara. At sa kabila ng pagiging isa niyang single mom ay alam ni Cristine na lahat ng pagmamahal at pangangailangan ng kanyang anak ay handa niyang ibigay basta kanyang makakaya at alam niyang ito ay magbibigay kasiyahan sa kanyang unica hija.

Samantala, bilang isang magulang ay may mga pagkakataon nga na nararanasan ni Cristine na maihalintulad sila ng kanyang anak. Ngunit para sa aktres, ay magkaiba sila ng personalidad ng kanyang unica hija na si Amara, dahil noon umanong kanyang kabataan ay talaga namang tahimik lang siya ngunit ang kanyang anak ay napaka-bibo at ubod ng daldal sa edad nito ngayon.




Sa naging panayam sa hinahangaang aktres na si Cristine Reyes sa programang “Usapang Real Life” ay kanyang naibahagi na sa murang edad ng anak niyang si Amara ay talaga namang napakadaldal na nito, yung tipong tila nga matanda na kung magsalita at nakikipagsabayan pa sa kanyang guro.

Photo Credit: cristinereyes/Instagram

Chika pa ng celebrity mom, nasasabihan nga umano ang kanyang anak na makinig muna bago magsalita o pagbigyan muna ang iba niyang mga kaklase na makapagparticipate, dahil tila nga hindi na makasingit ang mga ito sa sobrang kadaldalan ni Amara.

Photo Credit: cristinereyes/Instagram

Ayon naman kay Cristine, hindi niya malaman kung kanino ba nakuha ni Amara ang pagiging madaldal nito, pero sa kabila nito ay inihayag naman niya na mahal na mahal niya ang anak anuman ang personalidad na mayroon ito lalo na’t ito ang nagpuno sa mga bagay na kulang sa buhay niya.

Photo Credit: cristinereyes/Instagram

Kuwento ng aktres, nang dumating sa kanyang buhay ang anak niyang si Amara nabuo siya at nabago ang kanyang mga pananaw sa buhay. Saad pa niya, mas lalo pa niyang naitindihan ang kahulugan ng tunay na pagmamahal ng siya ay maging isang ina ni Amara.

Photo Credit: cristinereyes/Instagram

Dahil din umano kay Amara kaya ngayon hindi na lang puro sa sarili niya nakaikot ang bawat desisyon ngayon sa buhay ni Cristine, kundi bawat bagay na kanyang pagdedesisyunan ay inuuna niya munang isipin kung ito ba ay makakabuti sa kanyang anak na si Amara o sa buhay nilang mag-ina.




Sa kasalukuyan ay 5-taong gulang na si Amara, at pangako ni Cristine sa kanyang anak na lahat ng bagay na maaring magbigay kasiyahan sa kanyang anak ay ibibigay niya rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *