Kilalanin Ang Nag-iisang Anak Na Lalaki Ng Sikat Na Action Star Na Si Robin Padilla

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng aktor na si Robin Padilla ang ilang larawan na kuha sa kasal ng kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Ali. Si Ali o mas kilala sa tunay na pangalan niyang Robin Padilla Jr. ay ikinasal sa kanyang nobyang si Hanna, ito ay isang beach wedding ceremony na ginanap noong November 17 sa Broadbeach, Queensland, Australia.

Image Credit via Google
Image Credit via Google




Ang mga larawang ibinahagi ni Robin ay may caption na “Im happy my son you have found your love that can bring you closer to the one and only Creator. Fortunately, you found your true love in such young age with good fortune comes raging enthusiasm which you must temper with patience for nothing happens overnight in our youth.”

Image Credit via Google

Si Ali ay nasa edad na disenweba pa lamang, ngunit ibinigay na ng kanyang amang si Robin ang basbas nito sa kanya. Naglabas naman ang Philippine Entertainment Portal (PEP) ng ilang detalye tungkol sa buhay at pagkatao ni Ali.

Image Credit via Google

Ayon dito si Ali ay ang bunsong anak ng aktor na si Robin Padilla sa kanyang dating asawa na si Liezl Sicangco, taong 2000 ng ito’y ipinanganak. Ang mga nakakatandang kapatid nito na babae ay sina Queenie, Kylie at Zhen-Zhen.

Image Credit via Google

Ang kanyang ate na si Kylie ay ang aktres na si Kylie Padilla na ngayon ay asawa na ng aktor na si Aljur Abrenica. May step-sister din siya na kung saan ay pinaka panganay sa lahat ng anak ng kanyang ama, ito ay ang kanyang ate Camille (Camille Orosa), ang anak ni Robin Padilla sa dati nitong nobya na dating aktres na si Leah Orosa.

Image Credit via Google

Mayroon din siyang mga nakababatang kapatid sa pangalawang asawa ng kanyang ama na si Mariel Rodriguez, ang mga ito ay sina Isabella at ang bagong silang pa lamang na si Gabriella.

Image Credit via Google

Ayon pa din sa PEP si Ali ay lumaki sa Australia na kung saan ay bumisita ang kanyang ama pag ito ay may pagkakataon dahil nais nito na lagi siyang makasama. May mga pagkakataon din na isinasama siya ng kanyang amang si Robin dito sa Pilipinas noong siya ay bata pa lalo na kapag namimiss siya ng kanyang ama.

Image Credit via Google

Sa kanilang magkakapatid naman ay pangatlo si Ali sa mga anak ni Robin na may-asawa na, dahil ang kanyang ate Queenie ay ikinasal na noong September 2012 at ang kanyang ate Kylie naman ay kakasal lamang noong nakaraang taon 2018. Nagbahagi naman ang kanyang ate Queenie ng isang mensahe para kay Ali sa Instagram nito, dahil hindi ito nakadalo sa importanteng okasyon sa buhay ng kanyang kapatid.

Image Credit via Google
Image Credit via Google




Noong taong 2010 ay nagkaroon din ng pagkakataon si Ali na maging bahagi ng isang primetime series at ito ay sa Joaquin Bordado ng GMA.Mahilig din umano siya sa world history ayon sa kanyang amang si Robin at mayroon ding siya Instagram ngunit hindi ito laging updated.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *