Kilalanin Ang Napaka Cute At Kauna Unahang Apo Ni Idol Raffy Tulfo Na Si Baby Grayson Maxwell

Si Raffy Tulfo, ay isa sa mga kilalang batikang journalist sa ating bansa. Ang ‘Idol in Action’ at ‘Fronline Pilipinas’ na mapapanood sa TV5, ay ang knyang dalawang programa na talaga namang inaabangan at sinusubaybayan ng maraming mga manood.




Kilala rin si Raffy Tulfo, bilang isang Youtuber sa kanyang channel na “Raffy Tulfo in Action”, na mayroon ng 17. 4 million na mga subscribers.

Image Credit via Google

Kung noon, ay ang pagiging journalist at Youtuber lamang ang pinagkaka-abalahan ni Raffy Tulfo, ngayon ay may madadagdagan na naman ito, dahil ma bago na itong pagkaka-abalahan, at ito ay ang pagiging “lolo” na niya, dahil siya ay mayroon ng unang apo, na siguradong kanyang kagigiliwan.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang, ay masayang ipinakilala ng batikan at hinahangaang journalist na si Raffy Tulfo sa publiko, ang kanyang unang apo. At ito nga ay ang apo niya sa kanyang anak na Maricel, na ang pangalan ay si baby Grayson Maxweel Tulfo – Tungol, isang kyut na kyut na baby boy.

Image Credit via Google

Sa naging ulat ng KAMI, sa isang episode ng kanyang programa, ay hiniling ni Raffy Tulfo sa kanyang anak na si Maricel o mas kilala bilang si Mar na makita at makausap ang kanyang apo, ito ay habang kausap niya ito “on-air”.

Image Credit via Google

At hindi naman tinanggihan ni Maricel ang kahilingan ng kanyang ama, at kanya ngang pinagbigyan ito na makita at masilip si baby Grayson, ito ay habang karga-karga ito ng daddy nito na si Atty. Garette Tungol.

Nang masilayan nga ang hitsura ng kanyang apo, ay hindi na naitago pa ni Idol Raffy ang kanyang kasiyahan, at ang kyut na kyut nga niyang apo, ay proud niyang ipinakilala sa publiko.

Nang mga oras ngang iyon, na ipinasilip ni Maricel si baby Grayson sa kanyang amang si Raffy Tulfo, ay napakahimbing ng tulog ng sanggol at wala nga itong kamalay-malay na proud na proud ang kanyang Lolo Raffy, na siya’y ipakilala sa marami nitong mga manonood, bilang ang kanyang kyut na kyut na apo.

“Paglaki mo, matutwa ka ‘pag nakita mo ito”, ang naging pahayag nga ni Raffy.
“Ang cute, super cute, manang-mana sa akin’, ang naging makulit at naaaliw na sambit nga ni Raffy.

Pahayag nga ni Raffy Tulfo, na ang kakyutan ng kanyang apong si Grayson, ay sa kanya nito namana. Noong ika-28 ng Nobyembre 2020, sa ganap na ika-1:36 ng hapon, ng isinilang ni Maricel si Baby Grayson, at ito nga ay sa pamamagitan ng cesarean.

Sa vlog ni Maricel, ay ibinahagi nito ang bawat detalye ng kanyang pagsilang sa unang anak nila ng kanyan mister na si Atty. Garreth.

Ayon kay Maricel, normal delivery na panganganak talaga ang kanyang nais, ngunit siya’y nauwi sa cesarean section. Sa kabila naman na cesarean ang naging pagsilang niya, ay ipinagpapasalamat ni Maricel na malusog at maayos ag kanyang baby ng ito’y kanyang isilang.




Para naman kay Maricel, ang pagdating ni baby Grayson sa buhay nilang mag-asawa, at sa kanilang buong pamilya ang pinaka-magandang regalo na kanilang natanggap mula sa Poong Maykapal.

Samantala, ang episode ngang ito ni Raffy Tulfo, kung saan niya ipinakilala ang kanyang unang apo na si baby Grayson, ay umani ng maraming reaksyon at komento mula s amga netizens, kung saan ay inihayag ng mga ito ang nakakatuwang reaksyon ng bagong “lolo” na si Raffy, ng masilayan nito ang hitsura ng kyut na kyut nitong apo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *