Kilalanin Ang Napaka Ganda At Matulunging Mayor ng Tarlac

Isang batang alkalde mula sa San Miguel, Tarlac ang usap-usapan ngayon sa social media. Ito ay dahil sa nagtataglay siya ng ganda na pang-artista at kabutihang loob sa patuloy na pagbibigay niya ng magandang serbisyo sa kanilang lugar at kanyang nasasakupan.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram
Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram




Dahil dito, marami sa mga netizens ang nagsisimula na ito ang batang alkalde sa Mayor ng Pasig na si Vico Sotto, dahil ayon sa kanila ay bagay na bagay ang dalawa lalo na at pareho silang good looks at may mabuting hangarin para sa kanilang baying pinaglilingkuran.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Ngunit sino nga ba ang magandang Mayor na ito ng San Manuel, Tarlac na si Mayor Donya Tesoro na inerereto ngayon ng ilang mga netizens kay Pasig Mayor Vico Sotto?

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Si Donya Cresencia R. Tesoro o mas kilala sa tawag sa kanya “Donya” ay ipinanganak noong Abril 5, 1991 sa San Manuel, Tarlac. Ang kanyang ama ay dati ng naging mayor ng Tarlac, at ngayon ay naglilingkod sa kanilang lugar bilang Vice Mayor.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Siya ay nakapagtapos ng kanyang pag-aral sa O.B. Montessori Center Inc sa Greenhills, San Juan. Matapos nito, ay kumuha siya ng kanyang master’s degree ng Public Administration sa Ateneo de Manila University.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Taong 2019, ng siya ay mahalal bilang Mayor ng San Manuel Tarlac, kung kaya’t sa ngayon siya ay isa sa mga pinakabatang mayor na nahalal sa buong Luzon.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Maliban sa kanyang pagiging mayor, isa sa mga hilig ni Donya ay ang maglibot sa iba’t ibang lugar sa labas ng ating bansa katulad na lamang sa mga lugar sa Paris at Italy.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Malapit din si Donya sa ating Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay hindi naman magiging kataka-taka sapagka’t ang kanilang pamilya ay ilang taon na ring pagseserbisyo sa publiko.
Bago pa man naging Mayor ng San Manuel, Tarlac si Donya ay naging councilor at vice mayor muna siya.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Sa ngayon, dahil sa pagkakaroon ng Enhance Community Quarantine na dulot ng pandemic na Covid-19 ay abala si Donya sa pamamahagi ng mga relief goods sa kanyang nasasakupan upang makatulong sa mga ito.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram




Samantala, ,kahit maraming mga netizens ang nagshi-ship kay Mayor Donya kay Pasig Mayor Vico Sotto, ay tila wala pa sa isip ng maganda at batang mayora ang magkaroon at pumasok sa isang ralasyon sapagka’t siya ay abala sa kanyang ginagampanang tungkulin sa kanilang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *