Kilalanin Ang Napaka Ganda At Napaka Seksing Crush Ni John LLoyd Cruz Sa Industriya Ng Showbiz

Noong tayo ay bata pa, marami tayong naging mga “crush” noon. Minsan, sa ating mga kaklase at minsan sa ating mga kaibigan. Hindi naman ito “big deal” noon dahil nga mga bata pa tayo. Pero noong tayo ay tumanda na at nagkaisip, napagtanto nating iba na mga crush natin kumpara noon kaysa ngayon. Mas maging “mature” na tayo pagdating sa ating mga crush at nag-iiba na rin ating mga “standard” para magkagusto sa kanila.

Photo Credit: @johnlloydcruztm/Instagram




Pero naisip mo ba kung sino ang crush ng iyong iniidolong artista? Siyempre, mga tao rin sila at nagkakaroon rin sila ng mga crush sa showbiz industry. Isa sa mga pinaka prominenteng aktor ng kanyang henerasyon ay si John Lloyd Cruz. Bagama’t biglang nawala sa telebisyon si Lloydie sa loob ng dalawang taon matapos na manirahan sa Cebu kasama si Ellen Adarna at ang kanyang panganay na anak na si Elias Modesto, hindi pa rin nawala sa masa ang kanyang karisma.

Photo Credit: @johnlloydcruztm/Instagram

Sino na nga ba ang crush ni John Lloyd sa showbiz? Lingid sa kaalaman ng lahat, inamin na pala ni John Lloyd sa publiko nang siya ay sumailalim sa isang panayam noong taong 2013. Ito ay ang mga panahong magkasintahan pa sila ng aktres na si Angelica Panganiban. Bagama’t nasa relasyon pa siya noon, hindi niya mapigilang masabi ang kaniyang ultimate crush sa showbiz.

Photo Credit: @missmylenedizon/Instagram

Kung ikaw ay nagtataka kung, siya ay ang aktres na si Mylene Dizon. Ayon kay Lloydie, hindi naman raw talaga siya tumitingin sa edad ng isang tao para magkagusto siya. Hindi rin siya nagbigay ng rason kung bakit si Mylene ang kanyang kagustuhan. Ito ang isang detalye sa buhay ni John Lloyd na hindi nabigyan ng masyadong atensyon. Kilala si Mylene Dizon dahil sa kaniyang matatapang na ginaganap ang karakter sa iba’t-ibang programa at pelikula. Sa ngayon ay nasa ilalim siya ng GMA. Isa rin siyang dakilang ina sa kanyang mga anak.

Photo Credit: @missmylenedizon/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *