Kilalanin Ang Napaka Gandang Anak Na Babae Ni Paul Walker Na Isa Ng Ganap Na Dalaga

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isa sa popular at gwapong aktor noon sa Hollywood na si Paul Walker? Mas naging popular pa nga si Paul Walker ng bumida siya sa hit movie series noon na Fast and Furious.



Matatandaan na noong ika-30 ng Nobyembre taong 2013 ng nagluksa ang maraming mga tagahanga ng Hollywood aktor, ito ay dahil sa naging maagap at biglang pagpanaw ni Paul Walker.
Photo Credit: meadowwalker/Instagram
Halos 7-taon na nga ang lumipas mula ng masawi ang Hollywood actor, at ngayon nga ang kanyang anak na babae na kanyang naulila na si Meadow Rain Walker ay isa ng dalaga.
Photo Credit: meadowwalker/Instagram
Labing-limang taon lamang si Meadow ng masawi sa isang aksidente si Paul Walker, noon ngang 2013, kaya naman nakakalungkot isipin na hindi na nito nasilayan pa ang lumaki at tuluyang maging dalaga ang kanyang anak na si Meadow.
Photo Credit: meadowwalker/Instagram
Makikita naman sa mga larawan ni Meadow, kung gaano na ito magandang dilag ngayon, at hindi rin maikakaila ang malaking pagkakahawig nito sa kanyang amang si Paul Walker.
Ngayon ay 21-taong gulang na si Meadow, at tulad ng kanyang ama ay lumaki rin ito na may mabuting puso na handang makatulong sa iba.
Photo Credit: meadowwalker/Instagram
Si Meadow Rain Walker, ang siyang namamahala ng foundation na kanyang itinatag para sa kanyang ama at ito nga ay ang The Paul Walker Foundation. Hangarin ng foundation na ito na makapagbigay ng tulong para sa ibang taong nangangailangan.
Photo Credit: meadowwalker/Instagram
Ngayon nga na mayroong krisis, ay nakipag tulungan ang The Paul Walker Foundation sa Los Angeles Regional Food Bank, para makapagbigay sila ng mga pagkain sa mga batang nakakaranas ng gutom dahil sa krisis.
Photo Credit: meadowwalker/Instagram
Ang pagtutulungan na ito ng The Paul Walker foundation at LA Regional Food Bank ay nalikom na rin ng halos $6,500.



Samantala, hindi nga lang ito ang ginawang kabutihan ni Meadow dahil tulad ng kanyang ama ay nagpupunta rin ito sa iba’t ibang mga bansa, kung saan may nangangailangan ng tulong. Ayon nga sa kanya, sa lahat ng bagay at pagtulong na ginagawa niya sa kanyang kapwa ay lagi niyang isinasa-isip ang kanyang ama, at ang legacy na naiwan nito.
Marami naman ang humanga kay Meadow, dahil sa kabila ng maaga siyang naulila sa ama, ay lumaki naman siyang isang mabuting tao na tulad ng kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *