Kilalanin Ang Napaka Gandang Anak Ng Beteranong Aktor Na Si Lito Lapid

Si Lito Lapid ay isa sa mga kilalang aktor sa kanyang henerasyon dahil sa kanilang angking galing sa pag-arte, isa din siya sa mga pinakamagaling na action star noon. Hindi na rin mabilang ang mga pelikulang naiambag niya na talaga namang minahal at tinangkilik ng ating mga manonood. At dahil nga minahal na ng masang Pilipino ang batikang aktor, ay naging daan ito upang siya ay nanalong senador ng ating bansa.

Photo Credit:ysabel_ortega/Instagram




Ngunit alam niyo ba na maliban sa pagiging abala niya bilang isang senador at magaling na aktor ay abala din si Lito Lapid bilang isang ama at isa sa kanyang mga kayamanan sa kanyang pamilya ay ang kanyang napakagandang anak na si Maria Ysabel Lapid Ortega o mas kilala bilang Ysabel Ortega.

Photo Credit:ysabel_ortega/Instagram

Si Ysabel Ortega ay anak ng beteranong aktor sa dating mang-aawit na si Michelle Ortega, ipinanganak ito taong 1995. Ngayon ay isa ng ganap na dalaga ang anak na ito ni Lito Lapid at nagsisimula na rin umusbong ang karera nito bilang artista.

Photo Credit:ysabel_ortega/Instagram

Ayon naman kay Ysabel kahit pa nga parehong mga artista ang kanyang ama at ina ay hindi naging madali sa kanya ang pasukin ang industriya. Sa edad na 16-taong gulang nagsimulang pasukin ni Ysabel ang showbiz at dito ay pinagdaanan niya ang iba’t ibang hamon na pinagdaanan din ng ibang artista na nagsisimula pa lamang din ang karera.

Photo Credit:ysabel_ortega/Instagram

Ilan sa mga proyektong naging bahagi na si Ysabel ay ang “On the wings of Love, Born for You, Pusong Ligaw at Araw Gabi”. Inamin din niya na sa unang proyekto na kanyang ginawa ay hindi naging madali para sa kanya, dahil dito ay aarte ang kanyang karakter na lasing at hindi pa raw niya nararanasan kung paano ang malasing kaya’t nahirapan siya na gawin ito.

Photo Credit:ysabel_ortega/Instagram

Mabuti na lamang at hindi siya pinabayaan ng production team kaya’t nairaos niya ang eksenang iyon. Ibinahagi rin ni Ysabel na ang kanyang amang si Lito Lapid ang isa sa mga tinitingala at hinahangaan niyang tao sa industriya kaya’t isa ito sa mga inspirasyon niya upang pasukin din ang mundo ng pag-aartista.

Photo Credit:ysabel_ortega/Instagram

Sa isang panayam naman kay Ysabel sa kanyang pagbisita sa Tonight With Boy Abunda ay sinabi ng dalaga na ipinagmamalaki niya ang kanyang ama.

Photo Credit:ysabel_ortega/Instagram




Kahanga-hanga nga naman ang anak na ito ni Lito Lapid dahil sa kanyang batang edad at kahit pareho na mga artista ang kanyang mga magulang ay ginagawa niya ang lahat sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang angking talento at galing upang mas makilala pa ang kanyang pangalan sa industriya at mas umusbong pa ang kanyang karera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *